- Ito ay matapos na naging usap-usapan ang kaniyang marriage life na animo'y naghiwalay na sila ng kaniyang asawa
- Sa News program nilang Frontline Pilipinas ay nilinaw niya ang lahat ng usap-usapan
Nagsalita na sa unang pagkakataon ang TV Host Actress na si Jervi Wrightson o mas kilala sa tawag na 'Kaladkaren' hingil sa tunay na estado ng kaniyang marriage life.
Matatandaang nitong mga nagdaang araw lamang ay naging usap-usapan ang estado ng kaniyang buhay may asawa matapos na magbahagi ito ng cryptic Tiktok video.
Ang nasabing Tiktok video ay naglalaman ng video niya kung saan nagli lip sync sya mula sa kanta ni Ariana Grande na 'We Can't Be Friends' na tila ba patama umano sa asawa niyang si Luke Wrightson.
Kasunod pa ng naturang tiktok video ay ang pagkawala ng wedding photos nila ng asawang si Luke Wrightson sa kaniyang Instagram feed na mas lalong nakadagdag ng kuro-kuro hingil sa kaniyang buhay may asawa.
Sa kaniyang news program show na Frontline Pilipinas ay nagsalita na nga si Kaldkaren at dito ay isiniwalat niyang nananatili pa rin siyang si Mrs. Jervi Wrightson at normal lamang umano sa mga may asawa ang pagkakaroon ng maliit na pagkakatampuhan.
“Lilinawin ko lang po ‘yung isyu tungkol sa amin ni Luke. You know, our marriage is not perfect, katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, merong challenges at hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad," panimulang pagku-kwento niya.
“But for 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa’t-isa. So kami pa rin po. We’re still together!” dagdag pa niya.
"Wala po kaming problema ni Luke, masaya po kaming mag-asawa.”
Aniya pa, “So I think, ang moral of the story, we have to be responsible with you know, with the content that we receive and consume.”
Ipinaliwanag din ni Kaladkaren ang patungkol sa ginawa niyang Tiktok video maging ang pagkawala ng kaniyang wedding photos sa Instagram account.
" 'Yung tiniktok ko po na song ni Ariana Grande, 'yung 'We can't be friends' feel ko lang siyang i-tiktok noong araw na 'yun!
"Tapos yung pictures ko naman sa Instagram, inaayos po kasi bg management yung feed ko for work. So nagtanggal sila ng ibang pictures, pero babalik din nila 'yun! Parang pinagtagpi-tagpi na lang ng netizens yung kwento," kwento pa niya.