Ivana, ibinahagi ang naging paghahanda sa sensitibong eksena sa “Batang Quiapo”

Ivana, ibinahagi ang naging paghahanda sa sensitibong eksena sa “Batang Quiapo”

Ivana, ibinahagi ang naging paghahanda sa sensitibong eksena sa “Batang Quiapo”
Ibinahagi ng vlogger-actress na si Ivana Alawi ang kanyang naging preparasyon sa “sensitibong” eksena sa top-rated seryeng “Batang Quiapo,” sa naganap na kauna-unahang sniff session ng kanyang iniendorsong local perfume brand na Perfume Dessert London.

Inilunsad sa nasabing event ang mga bagong scents na mabibili na ngayon sa iba’t ibang online selling platforms at physical stores. Dinaluhan ito ng mga bigating content creators kabilang na sina Vrix Gallano Laron, Steven Bansil, Zeinab Harake at marami pang iba. 

Samantala, nitong linggo ay ipinalabas na ang eksena ng karakter ni Ivana na si Bubbles kung saan kinidnap, inabuso, at itinapon ito na parang basura ng karakter na ginagampanan naman ng aktor na si Elijah Canlas.

Ayon kay Ivana, hindi siya handa nang kuhanan ang eksenang iyon. “Hindi nga ako ready eh. Kung ano na lang yung nangyari. Sabi ko nga, kawawa talaga si Bubbles nun.”
Kwento ng aktres, kinausap siya ng kanyang direktor at co-actor na si Coco Martin at ipinaalam ang pagdadaanan ng kanyang karakter. “Nung kinuwento niya, sabi ko ‘hala!’. Ako yung naawa sa karakter ko.”

Pinuri naman ng aktres si Coco sa pagiging hands on nito bilang direktor at bida sa “Batang Quiapo”, "Sobrang bait in everything, in action scenes, drama scenes. Kapag hindi ko nagagawa, kakausapin niya ako na ganito ang mas magandang delivery." 

Kinumpirma din ni Ivana ang kanyang pagbabalik sa big screen na posibleng ipalabas ngayong taon.