Michelle Dee all-out ang suporta kay Chelsea Manalo sa kanyang Miss Universe journey

Michelle Dee all-out ang suporta kay Chelsea Manalo sa kanyang Miss Universe journey

Michelle Dee all-out ang suporta kay Chelsea Manalo sa kanyang Miss Universe journey


- From one queen to another, ganito na lamang ang naging eksena ni Michelle Dee nang bigyan niya ng payo si Chelsea Manalo

- Abala na sa puspusang training si Manalo matapos ang pagkapanalo

- Kaliwa’t kanang papuri ang ibinigay ni Dee kay Manalo

Busy man sa sariling buhay at career, todo-suporta pa rin ang ibinibigay ni Miss Universe 2023 Michelle Dee kay Chelsea Manalo, ang bagong pambato ng bansa para sa korona. 

Sa MEGA Ball noong Miyerkules, June 12, malaking ngiti ang ibinahagi ni Dee suot ang kanyang black-and-white Bumgarner gown habang nakakapanayam ang mga reporter.

Ayon kay Dee, kapuri-puri raw ang personalidad at ‘inner beauty’ ni Manalo.

“I really love Chelsea. I really love her personality. I think we crowned a genuine-hearted queen,” aniya.

Dagdag pa ni Dee, nakakapag-usap na sila magmula pa nang mauwi ni Manalo ang title.

“I told her if she needed any advice, I’m always here,” ani Dee sa mga reporter.

Ipinaabot niya ang kanyang excitement para sa paparating na journey ni Manalo bilang Miss Universe Philippines 2024, ayon sa kanya, “It’s going to be such an amazing journey for her. I will be guiding her every step of the way she needs it. She’s in very good hands. I trust that [the Philippines] will be okay.”

Ibinahagi naman ni Dee na sa lahat ng mga pangaral na ibinigay niya kay Manalo, ang ‘greatest of all’ ay angkinin ang kanyang kwento at alamin ang kanyang purpose.

“Even if you don’t bring home the crown, as long as you achieve your purpose, that’s what’s important. That was my [goal] for the Philippines. 

“For me, you’ll still come home feeling like a winner.”