BLACKPINK Rosé nakatakdang pumirma ng exclusive contract sa THEBLACKLABEL, ayon sa mga report

BLACKPINK Rosé nakatakdang pumirma ng exclusive contract sa THEBLACKLABEL, ayon sa mga report

BLACKPINK Rosé nakatakdang pumirma ng exclusive contract sa THEBLACKLABEL, ayon sa mga report

BLACKPINK Rosé, nakikipag-usap sa THEBLACKLABEL para sa posibleng solo career

- Ang potensiyal na bagong agency ni Rosé ang mastermind ng mga sikat na kanta ng grupo noon.

- Maaaring hakbang ito ni Rosé sa pagsunod sa yapak nina Jennie, Lisa, at Jisoo sa pagtatayo ng solo career. 

Blinks, hold your hammer bongs! Ni-reveal ng Soompi, isang Korean Entertainment Media outfit, na si Rosé ay kasalukuyang nasa ‘discussion stage’ para pumirma ng exclusive contract sa THEBLACKLABEL na pinamumunuan ni Teddy Park.

Sa pahayag ng THEBLACKLABEL, “We are currently discussing signing [an exclusive] contract with Rosé.”

Si Park ang nasa likod ng iba’t ibang hit songs ng BLACKPINK simula ng mag-debut ang grupo kabilang na ang “Ddu-Du Ddu-Du” at “Forever Young”. Noong 2017, siya rin ang sumulat at nag-produce ng kantang “As If It’s Your Last”.

Ang THEBLACKLABEL ay tahanan din ng mga bigating pangalan sa K-Pop industry at mga aktor na sina Park Bo Gum at Lee Jong Won.

Disyembre 2023 nang inanunsyo ng YG Entertainment na lahat ng miyembro ng BLACKPINK ay muling nag-renew ng exclusive contracts para sa kanilang group activities lamang.

Sa parehong buwan, naitatag ni Jennie ang kanyang sariling label, Odd Atelier (OA). Si Lisa naman ay nag-launch ng sarili niyang talent agency na tinawag na LLOUD noong Pebrero.

Si Jisoo ay nagtayo rin ng sarili niyang talent agency, ang BLISSOO.