- Kasaluluyan ng nasa kustodiya ng NBI ngayon si Cedric Lee
- Ayon sa NBI sinundo nila ito matapos na magpadala ng mensahe na boluntaryo na umano itong susuko
- Ngunit mariin niyang pinangangatawanang hindi nila binugbog si Vhong kung nagkasakitan lamang ng kaunti
Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng NBI si Cedric Lee matapos na kusang loob itong sumuko sa ahensya, mahigit isang araw matapos ibaba ng korte ang hatol na pagkakakulong sa kaniya kasama ang tatlo pang iba.
Nahatulan ng guilty sa serious illegal detention case si Cedric Lee kasama si Deniece Cornejo at dalawang iba pa na isinampa ni Vhong Navarro kaugnay sa insidente sampung taon na ang nakalilipas.
"Ito ay kusang loob niya. May namagitan sa amin na gusto niyang sumuko kaya kami ay nakipag-ugnayan kay Cedric Lee," sabi ni De Lemos na NBI Director.
Ngunit sa kabila ng pagsukong ito ni Cedric Lee nilinaw niyang hindi nila idinitene si Vhong Navarro at wala umanong labis na pambubugbog na nangyari kundi kaunting sakitan lamang.
"Mag-aappeal kami. We will exhaust all legal remedies... Walang illegal detention na nangyari. Kung titignan lahat ng elements ng crime, wala. So we never detained him for more than a day. We never inflicted serious physical injuries," kwento ni Cedric Lee.
Ipinaliwanag din niyang hindi sila nanghingi ng anumang salapi mula kay Vhong.
"Hindi ransom yun. Wala yung mga elements. Nagkasakitan lang ng kaunti. Slight injuries. May nasaktan din naman sa amin noong lumaban siya. Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang," dagdag niya.
"Alam naman niya ginawa niya... Napasubo na lang siya, baka ang career niya maapektuhan," dugtong pa nito.