Matapos ang mahigit sa pitong taong pagpapamalas ng kaniyang talento sa Amerika, magbabalik Pinas ang singer na si Garth Garcia para sa isang homecoming concert ngayong March.
Award winning vocalist at recording star, Garth Garcia handa ng muling pabilibin ang mga pinoy sa kaniyang pagbabalik Pinas, sa isang interview ay naibahagi nito ang kaniyang excitement para sa naturang homecoming concert.
"After 7 years I will be coming back and hold a homecoming concert.. I was supposed to do this years back but then pandemic hit," kwento nito.
Ang naturang concert niya ay magpi feature ng mga original songs niya mula sa kaniyang latest album at sa "My Time" concert niya na ginanap sa US. Makakasama rin niya ang ilang mga tanyag na mga mang aawit kagaya nina Geca Morales, Deb Victa, RBC, Carmela Ariola, Faith Cuneta at Klarisse De Guzman mula sa direksyon ni Tan Macalla.
Bilang uso na ang collaboration naibahagi rin niya ang kagustuhang maka collab sina KZ Tandigan at Kyla dahil sa angking galing ng mga ito.
Hindi lamang basta concert kundi selebrasyon ng isang pagiging proud pinoy ang naturang event para sa kaniya, “It’s a celebration of my journey as a Filipino artist as I help to continue to bridge cultures, inspire more listeners, and champion Filipino talent on a global stage.”
Matatandaang nagsimula si Garth ng kaniyang singing career nang mapabilang siya sa hit ABS-CBN singing competition na 'Star In A Million' at magmula noon ay nagpatuloy siya sa kaniyang pag kanta at patuloy na ipinapamalas ang angking talento hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.
Gaganapin ang naturang concert sa Music Museum ngayong March 09 na, fans can get tickets from PhP1000 at TicketWorld 891-9999.