Sa kaniyang 'X' account (dating Twitter) ay nagbahagi ng kaniyang saloobin ang dating senadorang si Leila De Lima kaugnay sa linag uusapang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Nitong nagdaang araw lamang, Bonifacio Day ay ginulat nina Kathryn at Daniel ang apat na sulok ng social media matapos na magbigay sila ng update hingil sa estado ng kanilang relasyon na ilang linggo na ring pinag-uusapan ng madla.
Sa kani-kanilang Instagram account ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang pahayag kung saan kinukumpirma nila ang kanilang hiwalayan matapos ang higit na labing-isang taong pagsasama.
"What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the cameras, not because of the fans, not because of the money that comes with a successful love team. We were genuinely in love," bahagi ng pahayag ni Kathryn.
"Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will forever cherish. I will always be grateful for you," dagdag pa nito.
Samantala pahayag naman ni Daniel, "Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito. Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo.. Our lives may drift away, but our love will still ride that tide."
Marami ang nagbahagi ng kani-kanilang kumento hingil sa tinagurian na ng marami na break-up of the century, kabilang na rito si dating senadorang si Leila De Lima.
Sa kaniyang post ay ibinahagi nito ang kalungkutan niya sa pangyayari at patuloy umano niyang susuportahan ang dalawa sa panibagong yugto ng kanilang buhay.
“Hindi ko pa man sila personal na nakita, at sa standee ko pa lang sila nakasama, maraming salamat #KathNiel sa inspirasyon.
“I pray for your continued growth and healing. Patuloy namin kayong susuportahan. God bless you, your fans and family," pahayag ni Leila.
Hindi ko pa man sila personal na nakita, at sa standee ko pa lang sila nakasama, maraming salamat #KathNiel sa inspirasyon.
— Leila de Lima (@AttyLeiladeLima) December 1, 2023
I pray for your continued growth and healing. Patuloy namin kayong susuportahan. God bless you, your fans and family. pic.twitter.com/nWmFFhgES8