Jose Manalo, inirereklamo rin sa MTRCB sa pagiging 'racist' sa isang segment sa E.A.T.

Jose Manalo, inirereklamo rin sa MTRCB sa pagiging 'racist' sa isang segment sa E.A.T.

Jose Manalo, inirereklamo rin sa MTRCB sa pagiging 'racist' sa isang segment sa E.A.T.


 - Matapos ireklamo ang mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez sa MTRCB, kinuwestiyon din ng netizens ang 'kabastusan' umano ni Tito Sotto sa PH TV

- Ngunit binabatikos din muli ang programang E.A.T. dahil naman sa host nitong si Jose Manalo dahil sa pagiging 'racist' nito sa isang Nigerian

- Makikita namang tila na-off ang co-host nitong sina Miles Ocampo at Paolo Ballesteros

Gumawa na naman ng ingay ang Kapatid noontime show na 'E.A.T.' sa online world matapos mag-viral ang isang eksena ng programa habang pinapanood sila ng mga dabarkads sa segment nilang 'Sugod Bahay Kapatid'.

Ngunit hindi ito sa positibong pananaw dahil inirereklamo ngayon sila muli ng netizens sa MTRCB dahil sa pagiging racist ni Jose Manalo sa isang Nigerian na nakasama nila sa nasabing segment.

Nauna rito ang pag-call out sa chairwoman ng MTRCB na si Lala Sotto dahil sa hindi nya pagpuna sa 'di umano'y kalaswaan ni Tito Sotto sa kanyang asawa habang LIVE sila sa national TV.

Sa Tweet ng isang netizen kung saan makikita ang video ni Jose, tinatawag ngayon ng netizens ang pansin ng MTRCB upang maaksyunan ang hindi magandang komento ni Jose sa Nigerian.

Hirit niya, “Kapag napanalunan mo sa Bingo ‘to ‘yan ang tinatawag na ‘Black Out!’”

Nahagip naman sa camera ang naging reaksyon ng co-host nilang sina Miles Ocampo at Paolo Ballesteros na tila hindi natuwa sa sinabi ni Jose.