- Pressured ang superstar na si Vice Ganda nang matawag siya ng netizens bilang icon ng LGBTQIA+ community
- Aniya, mayroon daw kasing social responsibility kapag nacoconsider na isang 'icon'
- Ibinahagi niya ito sa panayam sa kanya ng kilalang GMA Showbiz reporter na si Nelson Canlas
Nainterview ni Nelson Canlas, ang showbiz reporter ng GMA, ang Kapamilya superstar na si Vice Ganda hinggil sa 'paglipat' ng noontime program na It's Showtime sa GTV.
Ngunit maliban sa usapang 'Showtime sa GTV' ay napag-usapan din nila ang bansag ngayon kay Vice bilang isang LGBTQIA+ icon.
Sabi ni Vice, pressured siya na maging 'icon' dahil may kaakibat umano itong responsibilidad kapag naconsider maging icon ng malaking komunidad.
"May pressure din kasi syempre may kasama siyang social responisibility pag kinonsider ka nilang icon. Ikaw yung representasyon nila eh sa mga platforms na meron ako," pahayag ni Vice Ganda.
Mapapanood ang It's Showtime tuwing tanghali, 12NN, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at GTV.