Pura Luka Vega nanindigang uulitin niya muli ang panggagaya kay Hesus; Humingi ng tawad sa mga 'uncomfortable'

Pura Luka Vega nanindigang uulitin niya muli ang panggagaya kay Hesus; Humingi ng tawad sa mga 'uncomfortable'

Pura Luka Vega nanindigang uulitin niya muli ang panggagaya kay Hesus; Humingi ng tawad sa mga 'uncomfortable'


- Nakapanayam ng CNN News anchor na si Pinky Webb ang kontrobersyal na drag queen sa kanyang 'The Source'

 - Humingi ng paumanhin ang drag queen na si Pura Luka Vega sa kanyang ginawa na panggagaya sa pinaniniwalaang imahe ni Hesus

- Kahit na aminadong naka-'offend', nanindigan pa rin itong uulitin pa nito ang kanyang pangagaya kay Hesus

"Blasphemous"

Ganyan inilarawan ng mga netizens ang nakaraang 'drag performance' ng isang 'drag queen' kung saan ginaya at tila ginawang katuwaan sa loob ng bar ang kantang 'Ama Namin' na ginawan ng isang remix.

Dahil sa ginawang ito ni Pura Luka Vega, nahati sa dalawang panig ang online world at gumawa ng ingay maging sa mga news outlets at religious parties.

Maraming hindi natuwa sa ginawang ito ng drag queen dahil sagrado ang nasabing panalangin na sinasabing si Hesus pa raw mismo ang nagsulat at lumikha. 

Na-call out si Pura Luka Vega dahil sa pang-mo-'mock' 'di umano nito sa dasal ngunit marami rin ang nagtanggol dito at tinawag pang 'homophobic' ang ilang Katoliko na sinabing mali talaga ang ginawa ng drag queen.

Hindi rin maintindihan ng ilang netizens kung bakit natutuwa ang mga tao sa hindi pagrespeto kay Hesus. Sambit ng mga tagapagtanggol ng drag queen, na-'invalidate' raw kasi ng simbahan ang kanilang pagiging bahagi ng LGBT Community. 

Hirit ulit ng ilang netizens, na-call out din naman ang simbahan sa mali nitong gawain. Kung na-'offend' daw ng simbahan ay hindi dapat umano kay Hesus gawin ang pambabastos.

Nainterview naman si Pura Luka Vega ni Pinky Webb sa 'The Source' ng CNN Philippines. Natalakay nila ang ginawa ng drag queen at humingi naman ito ng tawad.

Ngunit hirit ni Pinky Webb na tila naguluhan sa sinabi nito, "I want to clarify this. Exactly, what is your apology?"

Nilinaw naman ito ng dag queen at sinabing, "I apologize if I made other people uncomfortable. But I also think that with the whole attention that was given to me, and with all the hate messages and all of that I feel like I also was unfairly judged. And I'm basically persecuted in a way." 

"Yes" naman ang sagot nito sa tanong kung gagawin ulit niya ang pangagaya kay Hesus.

Narito ang buong interview: