KZ Tandingan, hindi raw pinapapasok ng guard sa kanyang concert

KZ Tandingan, hindi raw pinapapasok ng guard sa kanyang concert

KZ Tandingan, hindi raw pinapapasok ng guard sa kanyang concert


-  Natawa nalang si KZ Tandingan habang kinukuwento ang experience niya sa isang guard na ayaw siyang papasukin sa kanyang concert

- Aniya, naka-wig raw kasi siya sa poster kaya baka hindi siya namukhaan ng security guard

- Ginagawa naman daw ng security guard ang trabaho nito kaya walang kaso sa kanya ang ginawa ng guard

Guest ang Kapamilya singer na si KZ Tandingan sa podcast nina Antoinette Jadaone at JP Havoc na 'Ang Walang Kwentang Podcast' na maaaring mapanood sa YouTube Channel ng ANIMA Studios.

Sa podcast na ito ay naikwento ni KZ ang isang nakakalokang experience niya sa kanyang concert sa MOA Arena matapos niyang sumali sa singing competition sa China na 'Singer 2018'.

“Kasagsagan ng China ko na stint noong 2018 tapos after po no’n, nag-concert po ako sa MOA Arena.

” Siyempre stressed na stressed na si bakla, nagpe-prepare. Pagbaba po namin doon sa entrance ng mga artists, 'di ba papasok ka doon sa parang security tapos may x-ray machine. Tapos ilalagay ‘yung pangalan. Kukunin ‘yung pangalan mo, tapos bibigyan ka ng ID,” aniya.

Pumasok na raw lahat ng kasama niya ngunit hindi siya pinayagang makapasok dahil wala umano ang pangalan niya sa listahan.

“Pumasok na lahat ng kasama ko tapos ako na, Direk. Concert ko sa MOA Arena, Supreme. Pagdating ko don, wala ‘yung pangalan ko.

“Sinabi ko sa guard, ‘Kuya, wala ‘yung pangalan ko’. [Sagot sa akin], ‘Pasensya talaga ma’am. Hindi kayo papasok.'

“Siyempre pumasok na ‘yung mga kasama namin. Sabi ko, ‘Kuya guard, ako po kasi ‘yung magko-concert,” natatawang chika ni KZ.

Aniya pa,“‘Yung picture ko pa doon sa concert poster, naka-wig ako. Iba ‘yung kulay ng buhok ko. Tinitignan ni Kuya ‘yung poster tapos ‘Hindi ka talaga pwedeng pumasok, ma’am’.”

Nakipag-away pa nga raw ang guard sa kanya dahil hindi ito pumayag na papasukin si KZ ngunit na-appreciate naman daw niya na ginagawa lang ng guard ang trabaho nito.

“Pero na-appreciate naman namin kasi ginagawa niya ‘yung trabaho niya. Tsaka dapat nandoon talaga ‘yung pangalan ko. Bakit kasi wala ‘yung pangalan ko,” hirit niya.

“Imbes na may one song na akong na-rehearse… kulang na lang pakitaan ko na si Kuya guard ng birth certificate, mga direk. Kuya guard, its me,” dagdag pa ng singer.