Kim Chiu, pinaluha ang mga Kapamilya executives dahil sa mensahe nito: "I'm giving back everything to my home network..."

Kim Chiu, pinaluha ang mga Kapamilya executives dahil sa mensahe nito: "I'm giving back everything to my home network..."

Kim Chiu, pinaluha ang mga Kapamilya executives dahil sa mensahe nito: "I'm giving back everything to my home network..."


 - Pinag-usapan ang naging contract signing ng loyal Kapamilya star na si Kim Chiu kaninang hapon, July 26

- Ikinuwento nito sa kanyang contract signing kung paano siya natulungan ng ABS-CBN sa kanyang buhay

- Nakalinya naman agad ang bagong proyekto ni Kim Chiu na 'Linlang' na inaasahang umere na ngayong 2023

Certified Kapamilya pa rin ang multimedia idol na si Kim Chiu matapos nitong pumirma ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nagbigay ng isang emosyonal na mensahe ang Kapamilya star sa kanyang mga bosses at sa kanyang home network. Aniya, ito raw kasi ang nagbigay-daan sa kanya upang matupad ang kanyang mga pangarap.

Matatandaang itinanghal na Big Winner si Kim Chiu sa 'Pinoy Big Brother: Teen Edition 1' at dito na nagsimula ang kanyang pagkinang. 

“This dream that I have, not just for myself, but also for my family. And dahil din dito sa ABS-CBN, naging maayos yung buhay namin, hindi lang pangarap ko yung natupad, pangarap ng mga kapatid ko,” hirit ni Kim.

Kasama sa naganap na contract signing ang mga big bosses ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes, Carlo Katigbak, Mark Lopez, at Laurenti Dyogi.

“This dream that I have, not just for myself, but also for my family. And dahil din dito sa ABS-CBN, naging maayos yung buhay namin, hindi lang pangarap ko yung natupad, pangarap ng mga kapatid ko,” dagdag pa ni Kim.

Isa namang teleserye ang nakatakda nang umere sa ABS-CBN. Ito ang 'Linlang' kasama ang Kapamilya hunk na si Paulo Avelino.