- Bibida ang loyal Kapamilya na si Jane Oineza sa bagong teleseryeng handog ng ABS-CBN Entertainment at TV5
- Thankful ito sa mga natatanggap na proyekto lalo na't mahigit 22 taon na ito sa ilalim ng ABS-CBN
- Inamin naman nitong mayroong nag-offer sa kanya sa kabilang network ngunit mas nanaig ang pagiging 'Solid Kapamilya' nito
Isang bigating proyekto ngayon ang pagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jane Oineza matapos ang maraming taon nitong pananatili sa ABS-CBN.
Ito ang 'Nag-Aapoy Na Damdamin' kung saan makakasama niya sina Ria Atayde, Toni Labrusca, at JC De Vera na hawak ng JRB Creative Production para sa ABS-CBN Entertainment at TV5.
Feeling blessed ito dahil sa bago niyang serye na ipapalabas na tuwing hapon simula July 25.
"After PBB po kasi nagkaroon ako ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015). Pero ayun po kasi, mas top bill by Ms. Vina Morales and may apat pa po akong kasama."
“So, ito po talaga (Nag-aapoy Na Damdamin) yung maituturing ko na first lead teleserye ko..Ako, sobrang saya lang po, sobrang kilig, nakakatuwa, dahil alam ko na pinaghirapan ko ito. Alam ko na hinintay ko rin naman po ito.
“Sobra kong happy kasi alam ko naman na hindi rin naman siya overnight success and I also put my hard work in this. I am just really happy na all of these are happening now,” pahayag nito.
Natanong naman ito kung sa loob ng maraming taon niyang pananatili sa ABS-CBN, ay na-offeran ito ng kabilang istasyon.
Sagot niya, “Meron naman po. Pero mas ano po kasi ako sa ABS-CBN, e, kasi dito na rin po ako lumaki. Family ko na rin po ang ABS-CBN, so hindi ko naisip o na-consider na iwan sila.”
Mapapanood ang Nag-Aapoy na Damdamin simula July 25, 3:50PM pagkatapos ng Pira-Pirasong Paraiso, sa TV5, Kapamilya Channel, at A2Z.