- Inilarawan ni Gerald Anderson ang kasintahan niyang si Julia Barretto sa panayam sa kanya ni Isko Moreno
- Aniya, masaya siya na karelasyon ang aktres dahil 'magaan' itong kasama at napakasimple lang
- Nabanggit naman niya na maaaring kasama na ang pagpo-propose sa kanyang magiging plano sa limang taon
Ang Kapamilya actor naman na si Gerald Anderson ang nakapanayam ng dating politician na si Isko Moreno sa kanyang programang 'Iskovery Nights' sa YouTube.
Dito ay inilarawan ni Gerald ang kasintahan niyang si Julia Barretto at kung kasama na ba sa plano niya ang pagpo-propose sa kanyang girlfriend.
Aniya, 'magaan' karelasyon si Julia dahil napakasimple lang nito at suportadong-suportado ng aktres ang mga 'kalokohan' niya.
"Sa 3 years na 'yun. Saya! ang gaan, iwan na lang natin 'dun. Sobrang secure siya sa pagkatao niya, maganda siya pero di mo maramdaman napakasimple, magaang kasama. Very supportive sa mga kalokohan ko...
"Like you know, magpa-practice ako ng basketball 4 hours a day, Mag-aano ako ng negosyo ilang oras sa isang araw. 'Nung pandemic. yung trabaho ring tinanggap ko. 'Di nanunumbat. Walang ganun e. Di mo maramdaman na komplikasyon siya," pahayag ni Gerald.
Sunod namang natanong ni Isko kung nakikita na ni Gerald ang magpropose kay Julia. Aniya, sa loob ng kanyang plano sa limang taon ay kasama na ito.
"Sa five-year plan, siyempre kasama 'yan diyan. Hindi lang ako magsasabi basta kasama 'yan," hirit ng aktor.
Narito ang buong interview: