Silent Sanctuary, naglabas ng pahayag hinggil sa kanilang 'di umano'y 'homophobic acts'

Silent Sanctuary, naglabas ng pahayag hinggil sa kanilang 'di umano'y 'homophobic acts'

Silent Sanctuary, naglabas ng pahayag hinggil sa kanilang 'di umano'y 'homophobic acts'


 - Naglabas ng pahayag ang bandang Silent Sanctuary matapos magviral dahil sa kanilang 'di umano'y pagiging homophobic sa dati nitong miyembro

- Natanggal na sila sa mga performers para sa Pride PH sa QC at naglabas din ang organisasyon ng opisyal na pahayag ukol dito

- Ngunit taliwas naman sa balita ang pahayag ng Silent Sanctuary sa kanilang 'homophobia issue'

Viral ang tweet ng dating Silent Sanctuary vocalist na si Ian Carandang laban sa nasabing OPM rock band. Ito'y matapos na isiwalat niya ang diskriminasyon sa kanya ng banda sa pagiging miyembro nito ng LGBT.

“Just learned that Silent Sanctuary is playing at QC Pride Night and the fact that when I was their vocalist they told me I needed to go back into the closet if I wanted to keep being their vocalist is extremely offensive to me,” aniya sa kanyang thread.

“I have always stayed quiet on this but THIS is a bridge too far for me that they purport to be pro-LGBT but have never publicly acknowledged or made amends for what they did to me is the last straw.”

Dahil dito, tanggal na nga ang Silent Sanctuary sa listahan ng mga performers para sa QC Pride Night. Naglabas ng pahayag ang organisasyon dito upang opisyal na ibalita ang pagkakatanggal ng Silent Sanctuary.

“HOMOPHOBES ARE NEVER WELCOME ON OUR STAGE. THIS IS OUR SAFE SPACE. THIS IS OUR PRIDE,” matinding giit ng organisasyon.

May labas ding statement ang banda upang linawin ang kanilang side. Sinabi nilang hindi nila naipagtanggol ang kanilang sarili dahil maraming netizens na ang sumakay sa isyu. 

“One man's angle does not paint the whole story of the bigger picture. Regardless, we still wish everyone a successful #PrideMarch2023,” dagdag nila.