- Top choice ng producer ng pelikulang 'Mallari' ang Kapamilya star na si Piolo Pascual upang gumanap na bida
- Muntik na nga rin umanong hindi tanggapin ni Piolo ang offer dahil busy ito sa mga scedules
- Hindi naman na raw nila tinawaran ang talent fee ni Piolo para sa pelikula dahil mahirap umano ang gagampanan nitong karakter
Nagustuhan agad ng producer ng 'Mallari' na si Bryan Dy ng Mentorque Productions ang Kapamilya star na si Piolo Pascual upang bigyang buhay si Juan Severino Mallari.
Sentro ng pelikula ang isang paring 'di umano'y pinaka-unang documented serial killer sa Pilipinas at ito rin ang unang beses na mapapasabak si Piolo sa isang horror movie.
Sabi ng producer, muntikan na nga rin daw na bitawan niya ang pelikula dahil muntikang hindi tanggapin ni Piolo ang offer.
“Tinanggihan muna ni Piolo kasi we will submit this to MMFF eh, he doesn’t wanna work during December plus ang dami niyang schedule talaga.
“Hindi naman kami nag-give-up, ako personally kasi I really think na he fits the role. Maraming nilista (na mga aktor) pero pag iniisip namin si Piolo talaga. Siguro kung hindi niya kinuha (tinanggap) hindi ko rin gagawin kasi ayoko namang ipilit," kwento nito.
Si Piolo naman daw talaga ang first and top choice niya dahil,“Sabi ko nga, I wanna be a concept driven producer, I don’t want na artista tapos iti-twist ko ‘yung istorya para mag-fit doon sa artista. And this is really a good story, so, talagang hunting the right person,” pahayag niya.
Tumatawang binanggit na mayroon daw 'NDA' o 'non disclosure agreement' sila ni Piolo patungkol sa talent fee ng aktor. Hindi na raw sila nagtangkang 'tumawad' pa dahil mahirap ang papel ni Piolo sa pelikula.
Aniya, "Well, Piolo is Piolo! Nu’ng sinabi naman sa amin (talent fee) hindi na ako nagtangkang tumawad dahil at the end of the day ang hirap ng ipinapagawa namin sa kanya. And it will really need his focus. Hindi ito isang karakter na pumunta sa tatlong iba’t ibang karakter."