- Iginiit ni TV5 chairman Manny Pangilinan na wala sila umanong pagkukulang sa pagtulong nila sa Kapamilya network
- Sinabi rin nitong 'tough choice' ang ginawa nilang pagsibak sa It's Showtime upang magbigay daan sa TVJ sa kanilang channel
- Proud naman daw siya sa 'nagawa' nila sa ABS-CBN dahil binigyan daw nila ito ng platform upang magbigay ng content sa mga Pinoy
May mensahe kanina ang Kapatid chairman na si Manny V. Pangilinan sa grupong Tito-Vic-Joey, mga taga-It's Showtime, at sa ABS-CBN matapos ang trending na pagpapalit-tahanan ng It's Showtime at Eat Bulaga ng TVJ.
Sa contract signing ng mga dating host ng 'original' Eat Bulaga sa TV5, may mensahe si Manny Pangilinan hinggil sa mga nangyayari ngayong pagbabago sa pagbo-broadcast ng noontime show na It's Showtime at gagawing show ng TVJ sa TV5.
Aniya, nang maghanap ng bagong tahanan ang TVJ, 'feeling' nila ay dapat daw nilang bigyan ito ng bagong tahanan dahil ito raw ang gusto ng mga Pinoy.
"The other bit of it, I must say, that it's got to be said is that we don't want to get involved with the polemics of what has happened before. That's not our job but we felt obligated because part of our duty is that if they're looking for a home, and for such an iconic entertainment phenomenon, it deserves a home," pahayag ng chairman.
Dagdag pa niya, "It's our obligation to give them a home because that's what the Filipinos love. It's as simple as that."
Inilarawan din niya ang pagsibak ng It's Showtime sa TV5, bilang isang 'tough choice' at isang business decision lamang.
"We have had a tough choice between Showtime and this particular production item. And it was just a purely business decision," aniya.
"It was a blocktime arrangement with them and [with an] expiry date of June 30. So nagkataon lang," giit pa nito.
Hindi rin naman daw sila nagkulang sa pagtulong sa ABS-CBN at masaya pa nga raw ito sa nagawa nila para sa network.
"Hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS. We're proud of what we have done for them. We continue to have arranged with them in terms of their content. We have not forsaken, again, our duty to them [and] what was done to them. We felt that we have to provide them a platform," sabi pa nito.
Mananatiling may blocktime deal pa rin ang ABS-CBN sa pagitan ng TV5 upang magpalabas ng mga teleserye tulad ng Batang Quiapo, Dirty Linen, The Iron Heart, at marami pang iba upang iangat ang quality viewing experience sa TV5.