Marian Rivera, masaya sa ABS-CBN dahil sa sobrang gandang pelikula: "Finally, mararamdaman ko 'yan!"

Marian Rivera, masaya sa ABS-CBN dahil sa sobrang gandang pelikula: "Finally, mararamdaman ko 'yan!"

Marian Rivera, masaya sa ABS-CBN dahil sa sobrang gandang pelikula: "Finally, mararamdaman ko 'yan!"


 - Masayang-masaya ang Kapuso star na si Marian Rivera dahil sa pelikulang kanilang gagawin sa ilalim ng Star Cinema

- Kahit script pa lang daw ang kanyang binabasa ay sobrang humanga na siya dahil 'sobrang ganda' raw talaga ng proyektong inoffer sa kanila ng ABS-CBN

- Inaabangan naman ngayon kung sinu-sino pang mga artista ang makakasama ngh DongYan para sa movie na ito

Isang malaking araw para sa mga Kapuso at Kapamilya ang big announcement ng Star Cinema dahil parte na ng Star Cinema family ang kilalang power couple ng GMA na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

May titulong 'Rewind' ang bagong offering ng Star Cinema ngunit ayaw naman mag-spoil ng iba pang details ang direktor. Ngunit family drama raw ito na may 'magical realism'.

Co-produced ng APT Entertainment at Agosto Dos Media, ang 'Rewind' ay ididirek ni Mae Cruz Alviar kasama ang DongYan bilang mga bida.

Hindi pa man natatapos ang shooting ay may chika na agad sin Marian patungol sa nabasa niyang script ng pelikula. 

“Sobrang excited [ako maka-work ang Star Cinema] at the same time, si Direk [Mae],

“Kasi si Dong ang daming kuwento tungkol sa kanya. So sabi ko kay Dong, sana balang araw ma-direct din niya ako. Punong-puno ng pangarap 'yung mga kwento ni Dong sa akin every time may Star Cinema siya. So sabi ko, sana balang araw,” masayang pahayag ni Marian.

Nang matanong kung bakit nila tinanggap ang offer, sumagot sila sa kung paano kaganda ang bawat pahina ng kanilang script.

“Parang bawat paglipat ko ng pahina sa script, walang tapon sa script. Walang dahilan para hindi ko ito gawin, especially kasama ko si Dong. Kasi alam niya, every time nagkaka-partner kami na kaming dalawa, meron kaming moment na mas tumitibay kami. ‘Ah, may ganun pala siya.’ So may bago akong nadi-discover sa kanya. Lalo akong nai-in love. May ganung moment. So sabi ko kay Direk, gagawin ko iyan kahit mahirapan ako sa schedule," sabi ni Marian.

Para naman kay Dingdong, “Siyempre bukod sa makakasama ko siya at makaka-collaborate ko ang mga napakahusay na creators, gusto rin namin is bawat project na pinipili namin, maging proud 'yung mga anak namin. Ito yung klaseng pelikula at kwento [na] 'yung gusto naming ibahagi sa mga manonood. Very, very true to form dahil it is a family movie. It has a very big heart and may touch of magic realism. So many elements na magsasabing talagang pampamilya."

May kwento pa nga si Marian na ikinatuwa ng press. Aniya, napaiyak siya habang binabasa ang script ngunit nakita siya ng mama habang umiiyak.

“Dumating 'yung mama ko sa bahay. Pinapatulog ko 'yung anak ko. Nung nakatulog na, si Mama nakahiga sa sofa namin. Habang nakahiga siya, hindi niya alam binabasa ko 'yung script. So habang binabasa ko, humihikbi ako kasi talagang tatamaan ka talaga, mamo-move ka talaga sa mga linya at sa mga nangyayari kahit lalaking character 'yung nagsasalita.

“What if ako ito? What if si Dong talaga 'yun? So umiiyak ako. Nagising 'yung nanay ko. ‘Anak, may problema ka ba? Magsabi ka sa akin.’ Sabi ko, ‘Ma nagbabasa lang ako ng script.’ Tawa siya nang tawa. Sabi niya, ‘Para mapaiyak ka ng script, sobrang ganda naman niyan.’ Sabi ko, ‘Ma mapre-preempt, huwag mo basahin. Manood ka,’” kwento niya.

Ayon kay Mark Tuviera ng APT Entertainment, nailatag na raw para sa DongYan ang proyekto noong 2019 at sampung istorya na ang pinagpilian ngunit ang script ni Enrico Santos ang pinakagusto ng DongYan pagkatapos i-offer noong 2020.