KZ Tandingan, nahirapan mag-coach sa mga bata sa The Voice: "Sobrang nipis nung..."

KZ Tandingan, nahirapan mag-coach sa mga bata sa The Voice: "Sobrang nipis nung..."

KZ Tandingan, nahirapan mag-coach sa mga bata sa The Voice: "Sobrang nipis nung..."


 - Inamin ng Soul Supreme KZ Tandingan na nahirapan siya na magcoach ng mga bata sa The Voice Kids

- Hindi raw madali na magbigay ng mga advice sa kids dahil hindi raw madaling magpaliwanag ng mga 'terms' para sa pagkanta

- Nagiging maingat din daw sila sa pagbibigay ng komento sa mga bata na kanilang tinuturuan

Malaking hirap para sa The Voice Kids season 5 coach na si KZ Tandingan na magturo sa mga bata bilang isang coach dahil hindi basta-basta maiintindihan ng mga kids ang mga 'terms'.

Isa iyan sa naging challenge para kay KZ nang maging coach siya para sa Kapamilya singing competition. Kwento niya sa panayam ng ABS-CBN, challenge sa kanyang mag-explain ng mga technical terms at mga istilo ng pagkanta sa mga kids.

“It was hard for me emotionally na paano mo ie-explain sa kanya, you just can’t sa technical terms kasi hindi naman maiintindihan ng bata, you really have to be visual about it.

“That was the hardest part of the entire of the season talaga, ‘di ba nag-audition kami and you were begging for us to choose you and then pagdating sa dulo ‘di mo ako pipiliin, di ba?” bahagi ni KZ.

Maingat din daw silang mag-comment sa mga bata sa kompetisyon, “Sobrang nipis nu’ng line between criticizing the kids na mage-gets niya, ayaw mo rin naman na mag-lie sa bata, sabihin mo na magaling kahit na kailangan ng advice.

“I actually told the prod na ‘you know what, this is gonna affect on how I’m going to be a mother’ or hindi kasi hindi ko po talaga kakayanin, ganito pala ‘yung pakiramdam na magulang ka,” paliwanag pa nito.

Game pa rin naman daw siyang maging coach sa susunod na season, “I would love to do it again but I would love to take some time to take a break emotionally kasi ‘yung unang salang namin sa ‘The Voice’ kids agad.”