- May hirit si Joey de Leon sa tanong kung anong na-feel nila na noong pumasok ang TVJ sa TV5 ay tila na 'bump off' ang It's Showtime
- Aniya, mas 'alive' raw ang TVJ sa Singko dahil tila isang 'earthquake' raw sila na niyanig ang lahat ngunit ang ibang shows ay 'aftershock' lang
- Pinanindigan naman nilang hindi binump off ang Showtime dahil mag-eexpire rin naman daw ang blocktime agreement ng Showtime sa TV5
May sagot ang 'legit Dabarkad' na si Joey de Leon sa isang nagtanong kung anong naramdaman nila na tila na-elbow ang Kapamilya noontime show na It's Showtime sa pagpasok nila sa puder ng TV5.
Sabay na araw kasi ang big announcement ng Showtime at ang press conference ng TVJ sa kanilang programang gagawin sa TV5. Magiging magkalaban ang dalawang programa simula Hulyo.
"Since this morning po nag-release ng statement ang It's Showtime na they're transferring to GTV, how do you feel lang po na sa pagpasok ng TVJ sa TV5 [ay] na-bump off po ang It's Showtime?" tanong ng isa sa miyembro ng press.
"Hindi. Hindi na-bump off. Mangyayari ang mangyayari," sagot ng 'original' Eat Bulaga host.
Kinumpara naman ni Joey na mas mahaba ang pag-ere ng Eat Bulaga kaysa Showtime. Aniya, pinakamalakas na 'earthquake' raw sila at ang sumunod ay tila puro mga 'aftershock' nalang.
"Actually may mga press release na nga sila. Sila din daw gumagawa ng record dahil naka-apat na istasyon na eh. Ganun din sila. Kaya nga lang, shorter time sila. Ang panglaban nila 15 years ata lang or 12. Kami daw 44 (years)
"In other words, sabi ng anak ko ngang si Jako, 'niyanig niyo ang telebisyon. Matagal niyo nang ginagawang magpayanig. Kayo ang pinakamalakas na earthquake. Lahat nung sumunod puro aftershock nalang 'yan', ibig kong sabihin, nabuhay," pahayag pa ni Joey.
"Alive na alive! Oo, alive tayong lahat ngunit mas alive kami sa 5 (TV5). 'Yun ang pinakamaganda dun," hirit pa nito.
"Dapat nga magpasalamat sa amin 'yung ibang TV shows. Nabuhay sila eh. Daming nabuhay. Naghahanap-buhay," pahalakhak na sabi ng komedyante.
May hirit din si Tito Sotto sa tanong ng press, "I don't think the phrase 'bump off' should be used. 'Di naman sila nabump off eh. Natapos ang kontrata nila. So in fairness to TV5, walang na ba-bump off. Natapos ang kontrata. 'Yan ang pagkakaalam namin," ang maikling sagot naman ni Sotto.
Mapapanood ang It's Showtime sa GTV simula ngayong Hulyo at inaasahan ang mas malawak nitong reach kumpara sa TV5.