Jaime Fabregas, pinalagan ang gumawa ng fake news na siya'y pumanaw na: "Mamamatay din kayo!"

Jaime Fabregas, pinalagan ang gumawa ng fake news na siya'y pumanaw na: "Mamamatay din kayo!"

Jaime Fabregas, pinalagan ang gumawa ng fake news na siya'y pumanaw na: "Mamamatay din kayo!"


 - Umabot na mismo kay Jaime Fabregas ang isang fake news post na sinasabing pumanaw na raw umano siya

- Pinalagan niya ito sa isang Instagram video at doon nilinaw niya na walang katotohanan ang mga balita laban sa kanya

- Tila masaya pa rin naman ito dahil aniya'y may kasabihang maaaring humaba pa ang kanyang buhay kapag nagpakalat ng ganitong balita

Nilinaw na ng batikang aktor na si Jaime Fabregas na hindi totoo ang isang fake news post na nagsasabing sumakabilang buhay na ito. 

Sa kayang Instagram account ay ipinaalam niya na siya'y buhay na buhay pa at nagpakita ng patunay na 'fake news' lamang ang kumalat na balita patungkol sa kanya.

Ipinakita niya sa video kung anong petsa at oras na saka nagsalita. Aniya, “Mga kababayan, ngayon po ay June 16, 2023. Ako po ay buhay na buhay, ayan nakikita ninyo.”

Dagdag pa nito, “Huwag po kayong maniwala diyan sa mga balita na ako po ay pumanaw na.”

May mensahe naman ito para sa gumawa ng ganong balita, “Lahat naman tayo ay mamamatay. Hintayin po nating mangyari.”

“Pati po kayong nagpost, mamamatay din kayo,” caption pa nito.

Marami namang nag-comment na tila galit sa gumawa ng fake news ngunit tila 'chill' lang din naman ang aktor dito. Naniniwala kasi siya na kapag daw may gumawa ng balitang pumanaw ka na, hahaba pa umano ang iyong buhay.

"Pero salamat na rin. May nagsabi na lalo daw hahaba ang buhay ko. (laughing emojis)" sabi pa niya sa kanyang caption.