Hosts ng 'Eat Bulaga', nagreact na paglipat ng 'Showtime' sa GTV: "Oh my goodness!"

Hosts ng 'Eat Bulaga', nagreact na paglipat ng 'Showtime' sa GTV: "Oh my goodness!"

Hosts ng 'Eat Bulaga', nagreact na paglipat ng 'Showtime' sa GTV: "Oh my goodness!"


- Big announcement ang balitang lilipat na ang It's Showtime mula TV5 sa GTV simula July 1

- Dahil dito, tila back-to-back ang labanan ng Eat Bulaga at Showtime na parehong mapapanood sa bakod ng GMA

- Nagreact naman ang mga Eat Bulaga hosts patungkol sa malaking balitang ito

Napagsaraduhan man ng pintuan sa TV5, bukas naman GMA upang patuluyin ang Kapamilya noontime show na It's Showtime sa sister channel nitong GTV na mangyayari na sa Sabado, July 1.

Ang partnership ng Showtime at GTV ay isang malaking sorpresa para sa mga madlang people. Kaya naman dahil dito, tatlong noontime shows na ang magkakalaban sa pananghalian: It's Showtime sa GTV, Eat Bulaga sa GMA, at TVJ sa TV5.

Sa panayam ng Kapuso network sa bagong host ng Eat Bulaga, naipakita nila ang kanilang opinyon sa 'pagsilong' ng Showtime sa GTV.

Para kay Paolo Contis, isang malaking collaboration ito ng ABS-CBN at GMA dahil maaring makapag-guest ang mga artista sa parehas na noontime program.

“This is a very big collaboration kasi noontime show na 'to. It opens up a lot of opportunities for other actors para makapag-guest doon at the same time para makapag guest dito.

"It will be a very healthy competition because you're basically under one roof," aniya.

Chika naman ni Buboy Villar, ang pinaka-importante sa kanya ay ang pagkakaroon ng trabaho ng mga manggagawa ng Showtime.

"May mga trabaho sila lalo na ang mga nasa likod ng camera. 'Yon 'yung pinaka-importante sa akin. Hindi naman 'yung mga artista dahil sila kaya na po nilang kumita, kaya pa nilang dumiskarte sa buhay.

"Pero ang pinaka-importante diyan 'yung mga nasa likod, 'yung mga sumusuporta sa artista, sila po 'yung dapat tingnan hindi po kami," pahayag pa ni Buboy.

Napa-'Oh my goodness' naman si Betong nang marinig niya ang balitang ito, "Welcome po sa Kapuso station and sobrang happy dahil isipin niyo nagsanib-pwersa na kumbaga eh 'no?"

Aniya pa, looking forward siya sa posibilidad na maka-work ang It's Showtime lalo na ang main host nitong si Vice Ganda.