DongYan may proyekto sa ilalim ng ABS-CBN; Vice walang entry para sa MMFF 2023?

DongYan may proyekto sa ilalim ng ABS-CBN; Vice walang entry para sa MMFF 2023?

DongYan may proyekto sa ilalim ng ABS-CBN; Vice walang entry para sa MMFF 2023?


- Nireveal ni Cristy Fermin ang listahan ng mga kumpirmadong pelikulang makakasali para sa MMFF ngayong taon

- Kasado na ang bagong pagbibidahang pelikula ni Nadine pagkatapos ng kanyang successful horror movie na 'Deleter'

- Inaabangan naman ngayon kung magkakaroon ng entry si Vice Ganda dahil laging box-office hit ang kanyang mga pelikula.

Nireveal ni Cristy Fermin at Romel Chika sa kanyang programang 'Cristy Ferminute' ang mga artistang bibida para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Pinadalhan kasi sila ng listahan ng scripts na nasa pamunuan na umano ng MMFF ngunit wala naman sa nabanggit ang Kapamilya superstar na si Vice Ganda.

Subalit kumpirmado naman ang pagbabalik-horror movie ng nag-iisang Nadine Lustre na ididirek muli ni Mikhail Red. Ito kasi ang nagdirek sa successful movie ni Nadine na 'Deleter' na ipinalabas sa mga sinehan noong MMFF 2022.

Hindi naman tiyak kung makakasama pa si Vice Ganda sa MMFF 2023 o hindi. Maraming entries si Vice nitong mga nagdaang taon para sa MMFF at laging box-office hit ang mga ito. 

Kahit wala si Vice, mayroon pa rin namang offering ABS-CBN Star Cinema na pagbibidahan ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Narito ang listahan na binanggit:

1. Regal Films – “SRR (Shake Rattle and Role) Extreme” – Horror
2. Star Cinema at APT Entertainment – “Agosto Dos Rewind” (Dingdong Dantes at Marian Rivera)
3. Viva Films [title to follow] Nadine Lustre – Horror directed by Mikhail Red
4. Viva Films – “Penduko” (Matteo Guidicelli) – Action
5. BC Entertainment Productions – “Mananambal” (Nora Aunor, Bianca Umali, Kelvin Miranda) – Horror
6. Adolf Alix, Jr – “Poon” (Ronaldo Valdez, Gina Pareno, Janice de Belen, Ara Mina, Lotlot de Leon at Jaclyn Jose) – Horror
7. GomBurZa movie (Dante Rivero, Cedric Juan, Enchong Dee, Piolo Pascual)
8. Saranggola Productions – [isusunod ang detalye]
9. GMA Films – “Firefly” (Dingdong Dantes, Max Collins, Epy Quizon, Alessandra de Rossi, Yayo Aguila, Cherie Pie Picache, Miguel Tanfelix at Isabel Ortega)
10. ALV Films – “That Kind of Love” (Barbie Forteza at David Licauco) – Romcom
11. Queenstar Film Production – “Loyalista, The Untold Story of Imelda Papin” (Mafi Papin – Carreon aka Marie France)
12. Purple Mom movie
13. Octoarts movie
14. Mentorque Productions – “Mallari” (Piolo Pascual)- Horror directed by Derick Cabrido
15. Quantum Films movie