- Hindi alam ni Andrea del Rosario na pumatok ang kanyang karakter bilang Olga sa hit seryeng 'Dirty Linen'
- Nakakataba raw ng puso ang mga nagme-message sa kanya na tila nakakarelate sa karakter niyang lesbian
- Pag-amin nito, malaking responsibilidad sa kanya ang pagganap dito dahil kahit mga bata ay nagreach out sa kanya
Malaking-malaki ang ginagawang ingay ng 'Dirty Linen', ang primetime series ng ABS-CBN na talagang tinututukan ng marami.
Isa sa mga inaabangan ng tao ay si Olga Arguelles, ang karakter na ginagampanan ng aktres na si Andrea del Rosario. Hindi kasi inexpect ng mga manonood ang 'twist' sa pagitan nila ni Leona Fiero, na ginagampanan ni Janice de Belen.
Nasabi naman daw sa kanya na magkakaroon ng relasyon ang karakter niya at ni Janice sa pagtakbo ng istorya, ngunit hindi raw niya alam na papatok ito. Pag-amin niya sa Inquirer.net sa isang panayam.
“Hindi ko alam (na papatok). And siguro part of me didn’t want to think about it. Kapag pumapasok ka kasi sa mga ganiyan, basta tanggalin mo iyong mga gano’n, tanggalin mo iyong mga what ifs. Just do your job."
Hindi rin niya inakalang ang papel niyang si Olga ay gagawa ng impact sa publiko partikular na sa LGBT community.
“They said that they can relate to me, that they can relate to the character, so many things. And nakakataba naman ng puso and, actually, it’s quite a big responsibility on my part because some of them were reaching out because they’re going through certain things in life, as young as 14 years old. Nakaka-overwhelm,” pagbabahagi niya.
Mapapanood ang Dirty Linen gabi-gabi, 9:30PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Available rin ito sa iWantTFC.