Aiko nagsalita na hinggil sa viral TikTok video; Nag-celebrate lang daw at walang na-violate na 'ruling'

Aiko nagsalita na hinggil sa viral TikTok video; Nag-celebrate lang daw at walang na-violate na 'ruling'

Aiko nagsalita na hinggil sa viral TikTok video; Nag-celebrate lang daw at walang na-violate na 'ruling'


- Nagsalita na si Aiko Melendez hinggil sa kanyang viral TikTok video na sumasayaw sa harap ng session hall

- Ipinaglaban nito ang kanyang sarili at sinabing wala naman daw silang na-violate na 'ruling' sa kanilang pagsasayaw

- Sandamakmak kasi ang bash na natanggap niya online dahil hindi naman daw ito lugar upang sumabay sa mga TikTok trends

Viral ang aktres at councilor na si Aiko Melendez dahil sa inupload niyang TikTok video kamakailan. Makikita kasi sa video ang pagsasayaw nila sa harap ng session hall kaya naman umani ito ng sandamakmak na comments mula sa netizens.

Hindi napigilan ng mga netizens na magbigay ng mga opinyon hinggil sa kung tama nga ba ang ginawang pagti-TikTok na ito ni Aiko kaya naman ipinagtanggol nito ang sarili.

Sa reuploaded TikTok video niya sa kanyang Instagram account, dito niya ipinaliwanag na wala naman umanong na-violate na 'ruling' sa kanilang pagsasayaw.

Aniya pa, nag-celebrate lang daw sila dahil naapprove na ang "10000 bonuses" ng kanilang mga empleyado.

"Please Read the caption po. Clearly, it says “before session,” it means wala pa roll call, and that was 30 mins before session, so wala kami violate na ruling. FYI… I know the ruling," sulat niya.

"We were also just celebrating because yesterday it was finally calendared in our agenda to approve the additional 10000 bonuses for our employees dahil nakuha namen ang COA unqualified opinion 3rd year in a row," dagdag pa nito.

Narito ang ilan sa komento ng netizens: