Tatlong taon na ang nakalipas matapos ipag-utos ng National Telecommunications Commission o NTC ang pagsasara ng free-to-air television and radio channels ng ABS-CBN Corporation sa pamamagitan ng isang ceast-and-desist order na ibinaba noong May 5, 2020 o 1 araw matapos mapaso ang 25-year legislative franchise ng Lopez-led TV network na unang binigay noong May 4, 1995 sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Pero matapos ang tatlong taon, ano na nga ba ang nangyari sa ABS-CBN. Tara na at ating balikan ang mga nangyari:
June 13, 1946
*Itinatag ni James Lindenberg na itinuturing bilang isa sa unang nagtaguyod ng Philippine Television, ang Bolinao Electronics Corporation o BEC.
June 14, 1950
*Sa pamamagitan ng Republic Act. 511 na pirmado ni noo'y Pangulong Elpidio Quirino, nabigyan ng temporary permit ang BEC para mag-operate ng isang TV station. Sa mga panahon na iyon, nabili na ni Judge Antonio Quirino, kapatid ng noo'y incumbent President ang BEC at ginawa itong Alto Broadcasting System (ABS).
February 24, 1957
*Nabili ng negosyante at owner ng Chronicle Broadcasting Network (CBN) Atty. Eugenio Lopez, Sr. ang
ABS mula sa pamilya Quirino.
Si Lopez ay nakatatandandang kapatid ng dating Vice President Fernando Lopez.
June 21, 1969
*Sa bisa ng Republic Act. 5730, nilipat ang prangkisa ng Bolinao Electronics Corporation (BEC) sa ABS-CBN Broadcasting Corporation, isang hakbang upang pagsamahin ang ABS ng mga Quirino at CBN ng pamilya Lopez.
September 21, 1972
*Pwersahang nawala sa ere ang ABS-CBN matapos ideklara ng diktador at isa sa pinaka-corrupt na naging Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos, Sr. ang Martial Law.
Isa ang ABS-CBN kasama ang ABC-5 sa mga media organizations na pinasara ni Marcos Sr.
September 16, 1986
*Matapos ang halos 14 years na forced leave, nakabalik sa ere ang ABS-CBN sa Channel 2 matapos itong ibalik ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.
May 4, 1995
*Unang ibinigay ang 25-year legislative franchise ng ABS-CBN Broadcasting Corporation na pinirmihan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, siyam (9) na taon matapos muling magbukas ang ABS-CBN matapos ang 14 years na forced leave sa ere.
September 11, 2014
*Inihain ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao ang House Bill 4997 sa 16th Congress na naglalayong bigyan ng additional 25-year franchise ang ABS-CBN Corporation, ngunit di ito umusad hanggang sa natapos ang termino ni noo'y Pangulong Noynoy Aquino noong 2016.
May 6, 2016
*Nagsampa ng Temporary Restraining Order (TRO) ang kampo ni noo'y Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang vice-presidential running mate na si Alan Peter Cayetano laban sa ABS-CBN Corporation ukol sa lumabas na negative campaign advertisement laban sa tough-talking Mayor ng Davao City.
November 10, 2016
*Finile ni dating Nueva Ecija 2nd District Rep. Micaela Violago ang House Bill 4349 na naglalayong i-extend pa ng isa pang 25 years ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation, na agad sinundan ng magkapatid na sina Davao City Rep. Karlo Nograles at PBA party-list Rep. Jericho Nograles, na di rin naka-usad sa committee level.
March 30, 2017
*Binanatan ni noo'y Pangulong Rodrigo Duterte ang Inquirer at ABS-CBN Corporation at tinawag nitong mga "walang hiya", dahil daw sa hindi patas na pagbabalita ng mga ito ukol sa kanyang administrasyon.
November 8, 2018
*Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagbantaan ni noo'y Pangulong Duterte ang ABS-CBN na hindi nito ire-renew ang prangkisa ng media giant kasunod ng batikos ng Pangulo sa noo'y ABS-CBN Chairman Gabby Lopez na tinawag pa nitong "magnanakaw", matapos hindi umere sa Kapamilya Network ang ilang campaign advertisements ni Duterte na bayad na diumano.
July 1, 2019
*Muling inihain ni noo'y Nueva Ecija 2nd District Rep. Micaela Violago ang House Bill 4349 para bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN na sinundan naman ng 10 pang mga mambabatas sa mababang Kapulungan.
July 28, 2019
*Naghain ng kaparehong bill sa Senado naman si noo'y Sen. Ralph Recto, at co-autor si noo'y Sen. Leila de Lima.
December 3, 2019
*Muling binanatan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN at sinabing sisiguraduhin nito na mawawala na ng tuluyan ang Kapamilya Network pagdating ng 2020.
Sinabi rin ni Duterte na mas mabuting ibenta na lang ng pamilya Lopez ang TV station.
December 4, 2019
*Sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Chair Franz Alvarez na hindi na tatalakayin ang issue ng ABS-CBN franchise sa natitirang mga araw ng 2019.
Dagdag ni noo'y House Speaker Alan Peter Cayetano, sa unang bahagi na ng 2020 pag-uusapan ang prangkisa ng ABS-CBN.
February 10, 2020
*Nagtungo sa Korte Suprema si noo'y Solicitor General Jose Calida upang ihain ang "quo warranto" petition nito laban sa ABS-CBN matapos nitong akusahan ang ABS-CBN na may nilabag diumanong dalawang batas; ang pagbebenta ng mga Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa mga banyaga at ang pagbuo daw sa Kapamilya Box Office (KBO) bilang isang bagong TV channel.
Agad itong kinontra ng pamunuan ng Kapamilya Network, at sinang-ayunan ng mga grupong tinuligsa ang kilos ni Calida.
February 12, 2020
*Humingi ng paumanhin si House Committee on Legislative Franchises Vice Chairman Isabela Rep. Antonio Albano, Jr. sa mahigit 11,000 na empleyado ng ABS-CBN Corporation dahil sa mga delay sa hearing ukol sa prangkisa ng TV network at nangakong aaksyunan agad.
February 18, 2020
*Naghain si Calida ng isang mosyon sa Korte Suprema upang maglabas ito ng gag order laban sa ABS-CBN Corporation at sa mga executives nito mula sa paglalabas ng mga statements ukol sa quo warranto petition na inihain nya.
Nagbigay ng limang (5) araw ang Korte Suprema sa ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence kung bakit hindi sila dapat maglabas ng gag order.
February 20, 2020
*Sa senate hearing, inako ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak ang mga pagkukulang ng ABS-CBN Corporation at humingi ito ng paumanhin sabay pangako na aayusin agad-agad ito ng TV network.
February 24, 2020
*Nilinaw ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Labor and Employment (DOLE) at National Telecommunications (NTC) na walang nilabag sa batas ang ABS-CBN Corporation taliwas sa mga banat ng Malacañang.
Ayon naman kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na pwedeng magbigay ng "temporary franchise" ang NTC sa ABS-CBN Corporation kagaya ng ginawa nito sa TV5.
February 26, 2020
*Sinulatan daw ng House of Representatives ang NTC upang bigyan ng temporary franchise to operate ang ABS-CBN Corporation kahit mag-expire ang prangkisa nito sa May 4.
Sa parehong araw, sinabi ni Pangulong Duterte na tinatanggap nito ang paumanhin ni Katigbak at sinabing i-donate na lang sa mga charity ang ₱2.6 million-worth ng campaign ads na hindi nai-ere.
March 11, 2020
*Nangako si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na bibigyan nila ng temporary permit to operate a TV station ang ABS-CBN Corporation kahit mag-expire ang prangkisa nito sa May 4.
May 3, 2020
*Kasabay ng World Press Freedom Day, pinagbantaan ni Calida ang mga opisyales ng National Telecommunications Commission (NTC) na kakasuhan sila ng "graft" oras na bigyan ng temporary permit ang ABS-CBN.
May 4, 2020
*Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na susunod ang Malacañang sa desisyon na gagawin ng NTC ukol sa kahihinatnan ng ABS-CBN.
May 5, 2020
*Sa ganap na 7:52PM, nag-sign off ang ABS-CBN Channel 2, ABS-CBN Sports and Action, DZMM, MOR at mga regional stations ng ABS-CBN Corporation matapos magbaba ng ceast-and-desist order ang NTC.
May 11, 2020
*Nag-file ng bill sa Kongreso sina Deputy Speaker Paolo Duterte, ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, at Cavite Rep. Abraham Tolentino para imbestigahan daw ang mga diumano'y violations ng ABS-CBN Corporation.
May 26-July 9, 2020
*Isinagawa ang ng Kongreso ang hearing ng House Committees on Legislative Franchises and Good Governance ukol sa ABS-CBN Franchise.
Kabilang sa mga pinag-usapan ang citizenship issue ni ABS-CBN Chairman Emeritus Gabby Lopez, mga tax avoidance schemes ng Big Dipper, blocktime deal ng ABS-CBN sa AMCARA Broadcasting Network, mga digital channels ng ABS-CBN sa ABS-CBN TV Plus, pag-iisyu ng ABS-CBN ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) at iba pa.
June 13, 2020
*Inilunsad ng ABS-CBN Corporation ang Kapamilya Channel, isang 24/7 cable channel ng Lopez-led TV network na naging pansamantalang tahanan ng Kapamilya programs habang wala sila sa free-to-air television.
July 10, 2020
*Sa botong 70-11, binasura ng Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa isang bagong prangkisa.
August 1, 2020
*Inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Online Live, isang streaming platform sa YouTube at Facebook para mas mapalawak pa ang presensya ng ABS-CBN sa online world.
September 9, 2020
*Ni-recall ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga frequency ng ABS-CBN Corporation tulad ng Channel 2, 23, 101.9 sa FM band, 630kHz sa AM band at mga frequency sa regional matapos mawalan ng prangkisa ang Kapamilya Network noong July.
October 10, 2020
*Pormal na nilunsad ang A2Z Channel 11, isang free-to-air television channel ng ZOE Broadcasting Network kung saan may blocktime agreement ang ABS-CBN Corporation.
Ang ZOE ay pagmamay-ari ni 2004/2010 presidential aspirant at Congressman Bro. Eddie Villanueva.
January 24, 2021
*Pumasok sa isang blocktime agreement deal ang ABS-CBN Corporation sa TV5 Network, Inc. para mai-ere ang ASAP Natin 'To! at FPJ Da King.
February 8, 2021
*Muling giniit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ay haharangin nito ang posibilidad na mabigyan sila ng bagong frequency.
March 8, 2021
*Napanood sa unang pagkakataon sa TV5 ang Kapamilya primetime teleseryes na FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam at PBB Connect matapos mas mapalawak pa ang partnership deal ng ABS-CBN at TV5.
January 3, 2022
*Nagbalik sa free TV via A2Z Channel 11 ang TV Patrol, ang longest-running tagalog newscast ng ABS-CBN matapos ang mahigit isang taon na nasa cable TV lang ito.
January 26, 2022
*Ipinagkaloob ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Channel 2 frequency na dating gamit ng ABS-CBN Corporation sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni dating Senate President Manny Villar na kilalang ka-alyado ni noo'y Pangulong Duterte.
Sa kasalukuyan, doon napapanood ang naghi-hingalong TV station na ALLTV.
April 5, 2022
*Pumasok sa isang content acquisition deal ang ABS-CBN Corporation sa dati nitong mahigpit na karibal sa ratings, ang GMA Network para mai-ere ang mga blockbuster at award-winning movies ng ABS-CBN Film Productions sa free TV channels ng Kapuso Network.
April 6, 2022
*Pormal na inanunsyo ng ABS-CBN ang partnership nito sa Broadcast Enterprises and Affiliated Media (BEAM), 917Ventures at Kroma Entertainment para sa PIE Channel, isang interactive entertainment channel na nagsimulang mapanood noong May 23, 2022.
June 25, 2022
*Nag-premiere sa TV5 weekend primetime ang Idol Philippines ng ABS-CBN Entertainment, ang unang weekend primetime show ni ABS-CBN na umere sa Kapatid Network.
June 27, 2022
*Ilang araw bago bumaba sa pwesto, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit nya ang kanyang kapangyarihan bilang Pangulo ng Pilipinas upang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.
July 16, 2022
*Nadagdagan pa ng isa pang ABS-CBN Entertainment content ang TV5 matapos ipalabas sa Kapatid Network ang It's Showtime kung saan naka-back to back nito ang dating rival program na Tropang LOL.
August 11, 2022
*Pormal na inanunsyo ng ABS-CBN Corporation at MediaQuest Holdings ang investment deal na gagawin ng dalawang kompanya kung saan bibilin ng ABS-CBN 34.99% stocks ng TV5 Network, Inc. sa halagang ₱2.16 billion.
May kaparehong deal din sa pagitan ng Sky Cable Corporation at Cignal, ang cable businesses ng Lopez at Pangilinan groups.
August 24, 2022
*In-announce ng ABS-CBN at TV5 na naka-pause muna ang kanilang investment deal, sa kabila ng mga concerns ng ilang pulitikong ka-alyado ni Pangulong Bongbong Marcos.
September 1, 2022
*In-anunsyo ng ABS-CBN Corporation at MediaQuest Holdings sa magkaibang press release statement na terminated na ang investment deal ng dalawang media giant.
October 20, 2022
*Mismong si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na ang nag-kumpirmang "dead" na ang investment deal ng ABS-CBN at TV5.
Ayon kay Pangilinan, magfo-focus na lang daw ang TV5 at ABS-CBN sa content licensing agreement deal ng dalawang kompanya.
January 23, 2023
*Pormal na pinagmalaki ng ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership deal sa GMA Network at Viu para sa upcoming teleserye na Unbreak My Heart, na mapapanood sa May 29 sa GMA Telebabad at sa mga platforms ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment at Viu.
February 6, 2023
*In-anunsyo ng ABS-CBN Entertainment na mapapanood na rin sa TV5 ang morning show nila na Magandang Buhay.
March 11, 2023
*Umere sa TV5 ang ABS-CBN Entertainment program na I Can See Your Voice, ang ika-sampung (10) programa ng Lopez-led content provider na umeere sa Kapatid Network.
March 13, 2023
*Sa isang ambush interview, muling iginiit ni ABS-CBN Head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi na isa nang "content provider" ang ABS-CBN matapos itong mawalan ng prangkisa.
April 28, 2023
*Opisyal na inanunsyo ng Dreamscape Entertainment ang daytime teleserye na "Pira-Pirasong Paraiso", ang unang co-production series ng ABS-CBN Entertainment at TV5.
Inaasahang mapapanood ngayong taon ang Pira-Pirasong Paraiso sa afternoon slot ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at TV5.