Ngayong araw, May 18 ay pormal nang inilunsad ng ABS-CBN Entertainment at TV5 ang teleseryes "Nag-aapoy na Damdamin".
Ang teleseryeng ito ang pangalawang teleserye na collaboration ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na hahawakan ng JRB Creative Productions, na siyang nasa likod ng 2020 ground-breaking teleserye na "Ang Sa Iyo Ay Akin", at ang 2022 Kapamilya fantaserye na "Mars Ravelo’s Darna".
Pagbibidahan ito nina Ria Atayde, Tony Labrusca, JC de Vera at Jane Oineza, sa kanyang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan.
Makakasama din sa naturang serye sina Joko Diaz, Nico Antonio, Kim Rodriguez, Aya Fernandez at Maila Gumila na idi-direk ni FM Reyes na nagse-celebrate ng kanyang 30th year bilang batikang direktor ng ABS-CBN.
Sa isang panayam, sinabi ni Oineza, na nagsimula bilang isang child star na dream come true para sa kanya ang teleseryeng ito, lalo't pangarap daw nyang bumida sa isang proyekto sa telebisyon.
“I’m glad that it’s finally here. I’m thankful sa mga opportunity before when I was a kid, yung 'Goin’ Bulilit.' But I’ve been waiting for this and now it’s finally here,”, ayon sa dating Goin 'Bulilit star.
Matatandaang nitong April 28, in-anunsyo ng ABS-CBN Entertainment at TV5 ang teleseryeng "Pira-Pirasong Paraiso", ang steamy-drama serye na pagbibidahan nina KD Estrada, Alexa Ilacad, Elisse Joson, Charlie Dizon, Joseph Marco, Ronnie Alonte at Loisa Andalio na mula sa Dreamscape Entertainment.
Inaasahang ipapalabas ngayong taon ang #PiraPirasongParaiso at #NagAalabNaDamdamin sa afternoon block ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at TV5.