Matapos ang 16 na taon sa ere, magpapaalam na sa ere ang ABS-CBN TeleRadyo, ang all-out tagalog newscast ng Kapamilya Network.
Sa nilabas na press release statement ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications, isa sa pinaka-dahilan ng ABS-CBN para sa pag-alis sa ere ng TeleRadyo ay dahil sa matinding pagka-lugi ng TeleRadyo simula pa noong 2020.
"TeleRadyo has been incurring financial losses since 2020," ayon sa media company.
Dagdag nila, "Since ABS-CBN can no longer sustain TeleRadyo's operations, ABS-CBN is left with no choice but to cease the operations of TeleRadyo effective 30 June 2023 to prevent further business losses,".
Masakit daw ito para sa ABS-CBN pero kailangan daw nila itong gawin para maiwasan na ang matinding lugi ng ABS-CBN News.
Ayon naman sa ilang reports, nagulat daw ang ilang empleyado ng ABS-CBN TeleRadyo dahil hindi daw kaagad sila sinabihan na mangyayari ito; at nagtataka daw ang mga ito kung bakit di man lang nabanggit ang benefits para sa TeleRadyo employees na maaapektuhan.
Unang umere ang ABS-CBN TeleRadyo noong April 12, 2007 bilang DZMM TeleRadyo, kung saan napapanood sa TV ang mga radio programs ng DZMM Radyo Patrol 630.
Matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020, nanatili sa ere ang TeleRadyo na naging tahanan ng mga natirang DZMM programs tulad ng Sakto!, Kabayan, On The Spot!, Lingkod Kapamilya at S.O.R..
Noon namang May 27, 2022 ay nagbalik sa digital free TV ang ABS-CBN TeleRadyo sa pamamagitan ng content licensing agreement deal ng ABS-CBN Corporation at ZOE Broadcasting Network.
Pero noong November 1, 2022, namaaalam sa digital free TV ang ABS-CBN TeleRadyo matapos mapaso ang agreement ng ABS-CBN at ZOE.
Inaasahang sa June 30, 2023 ang huling beses na mapapanood sa cable TV ang ABS-CBN TeleRadyo.