All-set na ang lahat para sa inaabangang 20th anniversary concert ng Kapamilya star, Popstar Royalty at isa sa Box-office Queens of Philippine Cinema na si Sarah Geronimo.
Ngayong Biyernes, May 12 ay gaganapin ang kanyang concert entitled: "Sarah Geronimo: The 20th Anniversary Concert" sa Araneta Coliseum, kung saan sold-out na ang mga tickets para sa gigantic event na ito.
Sa inilabas na pahayag ng MQuest Ventures, ang media arm ng MQ Live, nagpasalamat sila sa Viva Live at G Productions dahil sa tiwalang ibinigay nila sa creations at creative hub ng MediaQuest Holdings.
"This is the first live event of MQuest Ventures through it's event arm, MQ Live. We are planning to make big waves in live entertainment and this is a great way to start", saad ni MQuest Ventures President and CEO Jane Basas.
Dagdag pa nila, "We are grateful to our partners Viva Live and G Productions for making this possible."
Ang Viva Live ang events arm ng Viva Communications, Inc. ng entertainment tycoon na si Vic del Rosario, Jr.; samantalang ang G Productions naman ay isang events arm na hawak ng mag-asawang Matteo at Sarah Geronimo-Guidicelli.
Idi-direk ni Paolo Valenciano at the si Sarah Geronimo mismo ang naturang concert, kung saan kabilang sa magiging official media partners ang Cignal at TV5 na isa sa ka-partner ng ABS-CBN Entertainment.