Patuloy na nagpapasiklab ang ABS-CBN Corporation sa paggawa ng contents, lalo na for international release.
Ngayong araw, May 18 ay available for streaming na sa Prime Video ang horror film na #MgaKaibiganNiMamaSusan ng Regal Entertainment at Black Sheep Productions, isa sa film arms ng ABS-CBN Film Productions, Inc..
Mula sa master horror director na si Chito Roño, pagbibidahan ito ng Kapamilya leading man na si Joshua Garcia at si 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino Best Actress awardee Angie Ferro.
Ang pelikula ay halaw sa 2010 mystery novel ng award-winning book writer na si Bob Ong, na nasa likod din ng auto-biography na ABNKKBSNPLAko?! noong 2001, na ginawang pelikula ng Viva Films noong 2014.
Samantala, ngayong June 1 na mapapanood sa Prime Video ang crime-drama series na "Cattleya Killer".
Mula sa ABS-CBN International Production and Co-Production, pinagbibidahan ito ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Christopher de Leon at iba pang veteran actors and actresses of the showbiz industry.
Sa ginanap na special screening para sa series na dinirek ni Rory Quintos, nakatanggap ng samu’t saring papuri muli sa various audience and critics ang seryeng inspired ng 1996 Star Cinema movie na "Sa Aking Mga Kamay" na pinagbidahan ni Aga Muhlach.
Ayon sa ABS-CBN Corporation sa isang statement noon, patuloy daw silang gagawa ng various contents sa iba't ibang plataporma, mapa-local o international release.