Ngayong Semana Santa, mapapanood ang ilan sa mga pelikula ng ABS-CBN Film Productions na iba't ibang platforms sa free TV at cable.
Ito ay matapos sunod-sunod na i-presenta ng GMA Network, TV5, A2Z at Kapamilya Channel ang kani-kanilang mga holy week programing mula April 6 (Huwebes Santo) hanggang April 8 (Sabado de Gloria).
Sa GMA-7, mapapanood ngayong Holy Thursday ang mga Star Cinema movies na "Just The Way You Are" (6:30PM) nina Enrique Gil at Liza Soberano at "Finally Found Someone" (8:30PM) nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.
Pagdating naman ng Biyernes Santo, ang pelikulang "How To Be Yours" (10:30PM) nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang kukumpleto sa Good Friday lineup ng Kapuso Network, samantalang ang pelikulang "Three Words to Forever" (10:30PM) nina Leyte Rep. Richard Gomez, Sharon Cuneta at Kathryn Bernardo ang mapapanood ng mga Kapuso ngayong Sabado de Gloria.
Sa TV5 naman, mapapanood ngayong Huwebes Santo ang pelikulang "A Very Special Love" (12:00NN), ang 2008 blockbuster movie ng Star Cinema at Viva Films nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang bubungad sa bawat Kapatid.
Samantalang ngayong Sabado de Gloria, tatlong Star Cinema movies naman ang mapapanood ng mga Kapatid natin sa TV5, ito ay ang "You Changed My Life" (12:00NN), ang 2009 romcom movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, at ang mga heartwarming movies na "Anak" (2:00PM) nina Vilma Santos-Recto at Carlo Aquino at ang pelikulang "Caregiver" (4:00PM) nina Sharon Cuneta at John Estrada.
Hindi rin magpapahuli ang mga platforms ng ABS-CBN Corporation na A2Z at Kapamilya Channel sa pagbibigay ng mga tatak Kapamilya blockbuster movies ngayong Holy Week.
Ngayong Huwebes Santo, sabay na mapapanood sa A2Z at Kapamilya Channel ang mga pelikula ng iWant TFC, ang "Silly Red Shoes" (12NN) nina Kyle Echarri at Francine Diaz at "Wild Little Love" (2PM) nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.
Mapapanood din sa Holy Thursday ang mga pelikulang "Isa Pa With Feelings" (6:00PM) ng Black Sheep Productions (sister company ng Star Cinema) na pinagbidahan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino, at ang "She's Dating The Gangster" (8:00PM) ng reel-and-real life partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ngayong Biyernes Santo naman mapapanood sa A2Z at Kapamilya Channel ang mga pelikulang "Vince and Kath and James" (6:00PM) nina Joshua Garcia, Julia Barretto at Ronnie Alonte; at "Barcelona: A Love Untold" (8:00PM) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa Sabado de Gloria naman, mapapanood ang "Loving in Tandem" (6:00PM) nina Edward Barber at Maymay Entrata at "The Hows of Us" (8:00PM) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa April 9, Easter Sunday, back to regular programming ang GMA, TV5, A2Z at Kapamilya Channel.
Sa kabilang banda naman, 24/7 na mapapanood ang mga pelikula ng ABS-CBN Film Productions sa Cinema One at CineMo, mga cable channels ng ABS-CBN na available sa Sky Cable, Cignal at ibang cable providers sa buong bansa.