Mas pinagtibay pa ang partnership ng mga Kapuso at Kapamilya.
Ngayong araw, April 26 (Wednesday) ay inanunsyo ng GMA Network at ABS-CBN Corporation na mapapanood na sa OTT platform ng ABS-CBN na iWant TFC ang tatlong (3) international channels ng GMA Network na GMA Life TV, GMA Pinoy TV at GMA News TV International.
Sa isang pahayag, sinabi ni GMA Network Senior Vice President for Finance and ICT Ronaldo Mastrili na ang intensyon daw ng kanilang partnership sa ABS-CBN at iWant TFC ay maipakilala sa international community ang mga contents na gawa ng Kapuso Network na nagbibigay ng de-kalibreng entertainment at napapanahon, hindi bias at credible na news and information.
“GMA Network remains true to our vision of enriching the lives of Filipinos with superior entertainment and the responsible, unbiased, and timely delivery of accurate news and information. This collaboration with ABS-CBN is another validation of this commitment as we make our world-class content available to a wider audience. At the end of the day, the Filipino viewers — our boss — will greatly benefit from this,” saad ni Mastrili.
Ayon naman may ABS-CBN International Managing Director Jun del Rosario, naka-focus daw ngayon ang ABS-CBN sa kanilang pangako na pagiging "In The Service of the Filipino."
Ani ni del Rosario, ang partnership daw ng ABS-CBN International sa GMA Network, Inc. para sa mga international channels ng Kapuso Network ay nagpapatunay na desidido ang ABS-CBN na magbigay ng world-class contents na tatak Pinoy, kahit anong production company o TV network man ang may gawa.
“Our iWantTFC platform is committed to providing the widest spectrum of Filipino content appreciated and enjoyed by our countrymen worldwide. We are delighted to add a slate of live streaming channels and popular shows from GMA to our ever-growing news and entertainment offerings. As the home of Filipino stories, we will continue to give our audience easy access to content they trust us to deliver," ayon kay del Rosario.
Kabilang sa mapapanood na Kapuso programs sa tatlong international channels ng GMA Network ay ang "24 Oras", "Abot Kamay na Pangarap", "Maria Clara at Ibarra", "Apoy sa Langit", "Eat Bulaga!", "All-Out Sundays" at iba pa.
Mapapanood ang GMA Life TV, GMA Pinoy TV at GMA News TV International simula May 1 sa iWant TFC ng ABS-CBN Corporation sa ilang bansa at territories sa Asia Pacific, MENA, Europe, at South Pacific/Caribbean Islands.