Balik showbiz na ang aktor na si Enrique Gil, matapos ang tatlong taong pagpapahinga mula sa limelight.
Ngayong araw, April 25 (Tuesday) ay muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN Entertainment si Enrique, matapos ang ilang buwang isyu na diumano'y nakikipag-usap daw sila sa kampo ng GMA Network.
Mainit na sinalubong si Enrique at ang kanyang bagong manager na si Ranvel Rufino nina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Film Productions (Star Cinema) head Kriz Gazmen at ABS-CBN Dreamscape head Deo Endrinal.
Kasama ni Enrique ang kanyang adorable pet na si Millie sa contract signing.
Ani ni Enrique, excited na sya sa kanyang pagbabalik bahay sa Kapamilya Network at sa bagong tatahakin ng kanyang karera bilang isang magaling na aktor.
“I feel amazing. I’m really excited to be coming back and starting a new path. I’m doing something I’ve never done before, so hopefully, you guys can watch out for that. To all the bosses here, you know this has always been my home and I am really, really glad to be back home,” saad ni Enrique.
“I am missing all these faces, it has been a long time. Thank you guys so much. I love you all and I am excited. Yeah, let’s do it,” dagdag ng aktor.
Huling napanood sa isang teleserye si Enrique sa "Make It With You" ng ABS-CBN kasama ang real-life na si Liza Soberano, ngunit di ito natapos sa ere matapos ang COVID-19 pandemic na sinabayan din ng ABS-CBN shutdown.
Huli namang napanood sa isang TV event si Enrique sa "ASAP Natin 'To!" noong July 2021 kasabay ng unang anibersaryo ng pagpatay sa prangkisa ng Kapamilya Network sa KAMARA de Representantes.