Usap-usapan ngayon ang balitang natalo umano ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa kasong isinampa laban sa kanyan ng kanyang dalawang dating kasambahay.
Matatandaan na noong nakaraang taon, habang busy ang aktres sa shooting ng pelikulang "Maid in Malacañang", ay pumutok ang balitang may dalawang kasambahay na nasagip sa Alabang matapos umanong sisantehin at palayasin ng aktres nang hindi binibigyan ng sahod.
Agad na dumulog sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang dating COMELEC Commissioner at P3PWD party-list representative na si Rowena Guanzon para maaksyunan ang nasabing insidente.
"The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years),” depensa noon ni Ruffa.
The 2 former kasambahay of Ruffa G wna taka kabankalan negros occidenral filed a complaint in the NLRC for backwages and damages. @P3PWD_PL @ogiediaz @banderaphl @dzbb @PhilippineStar @inquirerdotnet @DZMMTeleRadyo @BomboRadyoNews pic.twitter.com/7aaYL0V1pm
— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) July 20, 2022
"Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave. “Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord," pagsisiguro pa niya.
Samantala, sa vlog ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz nito lamang March 31, kinumpirma niya ang bali-balita at nagbigay din ng kanyang sariling opinyon tungkol sa isyu.
"Sa pagkakaalam ko, yes, totoo nga yan - na nanalo yung dalawang kasambahay na pinaalis ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Alabang house," wika ni Ogie.
Isinalaysay din niya ang mga detalyeng nakapaloob sa legal document na nakalap; "Noong September 2022 ay parang nag-effort yung korte na pag-ayusin yung dalawa [sina Ruffa at ang dalawang kasambahay] at pareho silang ayaw ng compromise so ito ay napunta sa korte.
"However, yung Assistant Regional Director ay hindi naka-receive ng any notice of appeal within the reglementary period.
"The Order has now become final and executory and is hereby recorded in the book of Entry of Judgment, City of Manila, Philippines."
Ang "Notice of Finality" mula sa Department of Labor and Employment ay nag-utos kay Ruffa na bayaran ang mga dating empleyado ng "aggregate amount na 13,299.92. na kumakatawan sa kanilang indemnity pay, unpaid wages at unpaid pro-rated 13th month pay" sa loob ng sampung araw mula nang matanggap ito, kung hindi, ang mga legal na hakbang ay dapat gawin ng Opisina para sa pagpapatupad ng Kautusan.
"Kilala ko naman si Ruffa, in fairness mabait naman ang batang ‘yan. Ilang beses na kaming nagkakausap niyan at nakikita kong mabait si Ruffa pero siyempre hindi naman ako ‘yung naging kasambahay ika nga," kwento ni Ogie.
Kampante naman umano siya na tutuparin naman ng aktres ang nakasaad na utos mula sa legal document. “Sila ‘yung merong experience o kuwento about Ruffa at ngayon ay nabigyan ng pansin ng DOLE and I’m sure si Ruffa ay tutugon sa desisyon na ito at maliit na bagay at maliit na halaga para hindi tuparin ni Ruffa ang kanyang obligasyon doon sa dalawang kasambahay.
“Sana matapos na ito at the end of the day, siguro gusto lang patunayan nang dalawang kasambahay na hindi totoo ‘yung mga ibinibintang sa kanila noong sila’y napalayas sa bahay nina Ruffa at ika nga’y nakakahinga na sila ng maluwag sa iisipin ng tao na sila’y may kasalanan o nagnakaw sa bahay ni Ruffa.”
Ani pa ni Ogie, aral din ito para sa lahat maging sa kanyang sarili. "Na ang pagtrato sa mga kasambahay ay para ring kapamilya. At siyempre dun naman sa mga kasambahay, kapag tinuring din naman kayong kapamilya, patunayan niyo rin na para silang kahit hindi kayo magkadugo ay alam niyong maasahan kayo ng inyong mga employers. Sa lahat ng bagay, lalo na ang tiwala, wag yan sasayangin," aniya.
Sa isang Facebook post naman ay nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng tumulong, at mensahe si Atty. Rowena Guanzon patungkol sa pagkapanalo ng kanyang mga tinulungang kasambahay. "Nandito lang po ako at bukas kamay na tumatanggap ng mga humihingi ng tulong basta kaya ko. Happy Sunday!"