Matatandaang nagtrending ang longest running noontime show in the Philippines sa mga kumakalat na humor sa rebranding at pag-alis ng iilan sa mga founder at host nito.
Ito ay kaugnay sa nangyaring meeting sa gitna ng GMA Network at anak ng dating House Representative na si Romeo Jalosjos. Kung saan ipinarating nila na sila na ang mamahala sa TAPE o Television and Production Exponents, ang production company ng Eat Bulaga.
Sa isang Instagram Post kahapon, March 3, 2023, nagbahagi si Tito ng larawan niya at ni Tony Tuviera, isa sa mga founding owners ng TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga!
Sa caption ng post, "Tito and Tony last night! Who says we're splitting?"
Si Tito ang isa sa mga pioneers ng noontime show kasama ang kanyang mga katambal na sina Vic Sotto at Joey de Leon. Ano nga ba ang pinahihiwatig ng mensahe niyang ito sa gitna ng mga nagkalat na chismis?
Nananatali ang normal na pag-usad ng programa sa TV at tila walang internal issues na nagaganap sa pagitan nito at ng production company.
Ipinagdiwang din ng show ang 28th birthday ng kanilang pinaka-iconic na host, Maine Mendoza.
Samantala, wala pa ring nilalabas na official statement ang GMA 7 o maski ang Eat Bulaga ukol sa isyu. Kaya nanatiling palaisipan sa karamihan ng mga daberkads at kapuso ang kahihitnatnan ng noontime show.