PLDT buys Sky Cable's broadband businesses from ABS-CBN, Lopez group for ₱6.75 billion; to terminate it's paid TV and cable TV business

PLDT buys Sky Cable's broadband businesses from ABS-CBN, Lopez group for ₱6.75 billion; to terminate it's paid TV and cable TV business

PLDT buys Sky Cable's broadband businesses from ABS-CBN, Lopez group for ₱6.75 billion; to terminate it's paid TV and cable TV business
📷: Inquirer


Pormal nang binili ng PLDT, Inc. ang broadband business ng Sky Cable Corporation mula sa pamilya Lopez. 

Sa isang dokumentong isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC), binili ng PLDT, Inc. ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan ang Sky Cable ang 58.7% shares ng ABS-CBN Corporation sa Sky Cable.

Binenta rin ng Lopez, Inc. at Sky Vision Corporation ang shares nila na aabot sa 41.3% kung kaya't nakuha ng PLDT, Inc. ang 100.00% shares ng Sky Cable sa halagang ₱6.75 billion.

Pagpapaganda ng serbisyo sa mga loyal subscribers ang una raw magandang epekto ng desisyong ito sa pagitan ng PLDT at Sky Cable.

Nag-desisyon naman ang ABS-CBN Corporation na ite-terminate nila ang paid TV at cable business ng Sky Cable, base rin sa dokumentong isinumite nito sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Hindi na idinetalye ng ABS-CBN kung anong mangyayari sa cable channels nila, kabilang ang ABS-CBN News Channel (ANC) at Cinema One.

Sa ngayon daw, tuloy tuloy ang cable services ng Sky Cable habang naghihintay sila ng approval mula sa mga regulatory boards partikular mula sa Philippine Competition Commission (PCC) ukol sa naturang deal.

Mag-aabiso daw agad sila sa kanilang mga subscribers oras na mabigyan sila ng green light ukol dito.

Hindi na bago ang pagkaka-interes ni Pangilinan sa Sky Cable ng pamilya Lopez.

Noong 2022, kasabay ng investment deal "sana" ng ABS-CBN Corporation at TV5 Network, Inc. ay ang pagbili ng Cignal sa shares ng Sky Cable.

Hindi ito natuloy matapos pag-initan ng ilang mambabatas ang naturang kasunduan.