- Sa kaniyang Facebook account ay nagbahagi ng suhestiyon ang talent manager na si Ogie Diaz
- Kaugnay ito sa pagkuha o pag-ma manage sa mga baguhang talents
- Para umano ito sa mental health issues kung saan teenager pa lamang ay meron na
Sa kaniyang Facebook account ay nagbahagi ng tila open letter o suhestiyon ang talent manager na si Ogie Diaz kaugnay ng pagkuha ng mga baguhang talents ngayon.
Para umano ito sa lahat ng mga talent managers at para na rin sa ikagaganda ng career ng kanilang talents.
"Isa-suggest ko sa mga talent managers ito: bago tumanggap o tanggapin ang napupusuang talent, dapat, ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata.," panimula niya.
Ani Ogie na sa panahon kasi ngayon, ang mga teenagers ay mayroon ng mental health issues para na rin ma i-handle sila ng maayos.
"Kasi nga, ang mga teenagers ngayon, as in bata pa lang, meron nang mga mental health issues. Para din alam ng talent manager kung paano ia-address properly at iha-handle ang behaviour or attitude problem ng talent.
"Tapos, isama na sa kontrata yung kada project na gagawin, kailangan, papirmahin ang bata at magulang (kung minor pa ang kanilang anak) na tinanggap nila nang buong puso at excited silang gawin ito. Na alam nilang makakatulong ang project na yon sa ikauunlad ng kanyang career na hindi nila alam kung paano patakbuhin, kaya kinuha ang expertise mo bilang manager. Para pag nagkabaligtaran, “Ayan, o! Pinirmahan mo na happy ka doing the project.”," dugtong pa niya.
Idinugtong na rin ni Ogue ang kaugnay sa pagkakaroon ng Road manager at Personal assistant ng mga talents.
"Tapos, ilagay na din sa kontrata na “in the absence of the manager, the road manager will be there for the talent. And if the talent doesn’t want the presence of his road manager, his own personal assistant shall be present from start to finish for the scheduled work or commitment.
"Tapos lahat ng moves or desisyon ng bawat isa ay kailangan, hindi surprise para hindi nagkakabiglaan. Ipagpapaalam ng talent ang lahat ng moves niya na pwedeng makaapekto sa kanyang career para hindi nangyayari na mag-damage control ang manager sa kagagahan at kagaguhang ginawa ng talent.," dagdag pa nito.
Isinalaysay din niya ang hirap kung paano maging isang manager kung saan tila ba akala ng iba ay puro na lang komisyon ang nasa isip umano nila.
"Kaya ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager, pero hindi alam ng mga nagmamarunomg kung gaano kahirap maging manager.
"Para kang nag-iri ng sanggol, hanggang paglaki niyan, sa ‘yo yan aasa. Ikaw ang takbuhan niyan pag me problema silang personal kahit di na sakop ng trabaho mo yon bilang manager.
"Eto, sinabi ko din ito sa vlog ni Aiko Melendez — ang role ng manager ay tagaharang ng balang tatama sa talent.
"And worse—kasama na sa trabaho ng manager ang maging demonyo, manatili lang anghel sa mata ng publiko ang kanilang talent.," Hirit ni Ogie.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang isyung kinakaharap ni Ogue ngayon kaugnay sa dati niyang talent na si Liza o Hope Soberano, sa kabila naman nito ay ibinahagi niyang mas dumarami pa nga ang mga nag nanais na maging manager siya.
"Anyway, mas dumami po ang gustong magpa-manage sa akin ngayon. Hahaha! Ewan ko kumbakit, pero maraming salamat sa confidence nyo sa akin. Pero mellow muna po ako, dahil busy po sa ibang bagay na less sakit ng ulo.
"At maraming salamat din sa lahat ng nakapanood ng mga past episodes ng Ogie Diaz Showbiz Update! And how I wish, napanood sana ng lahat ng tao na hinusgahan ang buong pagkatao ko at naniwala sa isang panig lang," kwento nito.