©️Philippine Star
Pinangunahan ng Kapamilya loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang awarding ceremonies na isinagawa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa mga celebrities na may pinaka-malaking binayad na buwis noong 2022.
Isinagawa ito ng government agency noong March 8, 2023 (Miyerkules) sa Fisher Mall, Quezon City.
Si Bernardo ang #1 sa listahan ng mga Pinoy celebrities na may pinaka-malaking binayarang buwis noong 2022, samantalang nasa #5 position ang kanyang ka-loveteam at boyfriend na si Padilla.
Sa kanyang speech, hinikayat ni Bernardo ang lahat lalo na ang mga kabataan na magbayad ng tamang buwis lalo't responsibilidad daw ito ng bawat isa.
"Thank you so much for this recognition. Malaking bagay ito sa amin and hopefully this will inspire everybody to do our responsibility bilang Pilipinong magbayad ng tax," saad ni Kathryn.
Dinaan naman sa joke ni Padilla ang pagtanggap nya sa parangal kung saan sinabi nito na tila deserving sila na makakuha nito lalo na raw sa laki ng buwis na kanilang binabayad.
"Maraming-maraming salamat sa award na ito! Maraming-maraming salamat sa dami naming binayaran na tax. Deh [joke lang]. Maraming salamat po! Have a beautiful day.", sambit ni Padilla.
Maliban kina Bernardo at Padilla, kabilang din sa mga nakatanggap ng pagkilala mula sa BIR ang fellow Kapamilya artists nila na sina It's Showtime host Anne Curtis-Smith, FPJ's Batang Quiapo star Coco Martin, ASAP Natin 'To! mainstay Sarah Geronimo-Guidicelli at Judy Ann Santos-Agoncillo.
Pasok din sa listahan sina Liza Soberano, Maja Salvador, GMA-7 broadcast journalists Mike Enriquez, Mel Tiangco at Jessica Soho, controversial TV host Willie Revillame at box-office King at Eat Bulaga! host Vic Sotto.