Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng isa ngunit magandang mensahe si Megastar Sharon Cuneta sa ABS-CBN Corporation, ang kanyang tahanan sa loob ng 35 na taon.
Lumipat si Sharon sa ABS-CBN noong 1988, o dalawang taon matapos muling magbukas ang ABS-CBN matapos ang 14-na taong shutdown dahil sa Batas Militar.
Ayon kay Sharon, habang buhay syang magpapasalamat sa ABS-CBN dahil sa maraming oportunidad na nagbukas para sa kanyang kabilang ang mga programa nyang "The Sharon Cuneta Show" at "Sharon".
Gayundin ang ilan pa nyang programa sa ABS-CBN tulad ng Starpower, The Biggest Loser, The Voice Kids at The Voice Teens at ang kauna-unahang teleserye nya sa ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan gumanap ito bilang si Aurora Guillermo-Hidalgo.
Pagbubulgar ni Sharon, sa loob ng 35 years nya sa ABS-CBN ay wala syang kontratang pinipirmahan sa Kapamilya Network.
Bagama't siniguro nya na sya ay mananatiling Kapamilya, kinumpirma ni Sharon na willing syang mag-trabaho sa ibang TV station tulad ng GMA Network, TV5 at kahit sa ALLTV.
Eto ang kanyang buong post sa Instagram:
“I have been and will always be a Kapamilya. I have been with ABS-CBN since 1988, when they were just rebuilding their station from the ground up after years of closure by the then-Philippine government. I did three shows with them which carried my name – The Sharon Cuneta Show for eleven years, SHARON for 6 years, and the third, also called SHARON, for another 6 or so years. Then I did Starpower, The Biggest Loser, was a coach on The Voice Kids and The Voice Teens, and a judge in Your Face Sounds Familiar. And of course, FPJ’s Ang Probinsyano, which I owe largely to my “son” @cocomartin_ph , who handpicked me for the role of Aurora Guillermo. For the first time in all these decades, I don’t have a long-term contract with my station. I know it is a number of things that have caused this. We lost our franchise, the station has way too many stars now and we of the “old guard” have to give way. My memory and loyalty are unquestionable. But a girl’s gotta work where she can and where she’s wanted. See you again hopefully soon, whenever you may need me! ❤️💚💙
P.S. Coco anak, ikaw ang may malasakit sakin at lagi akong iniisip. Abot-langit ang pasasalamat ko sayo at habang buhay kita mamahalin!”, saad ni Sharon.
Sa ngayon daw, ayon sa Megastar ay wala pang TV network na nag-aalok sa kanya ng mga proyekto.