Matapos humarap sa matinding kontrobersya kaugnay sa diumano'y ₱100-million worth ng Flex Fuel Investment Scam, muling magbabalik sa TV ang TV host na si Luis Manzano.
Muling magbabalik si Manzano bilang host ng ika-limang season ng singing-comedy game show na "I Can See Your Voice" mula sa ABS-CBN Entertainment, ang leading content provider sa Pilipinas.
Makakasama ni Luis sa 5th season ng I Can See Your Voice ang mga "Sing-vestigators" na sina #ItsShowtime hosts MC Muah, Lassy Marquez, Long Mejia, Negi at ang dalawa sa OG Sing-vestigators na sina Angeline Quinto at ang nagbabalik ABS-CBN Entertainment na si Bayani Agbayani.
Dito na natuldukan ang isyu ng diumano'y panliligaw ng Villar-owned TV network na ALLTV kay Manzano upang lumipat sa ailing TV network ng pamilya Villar.
Giniit na ng kanyang ina na si dating Batangas Governor Vilma Santos-Recto, mananatili silang mag-ina sa ABS-CBN, kung saan parehong nagsimula ang showbiz career ng dalawa.
Ngayong March 4, Sabado at Linggo, March 5 muli aarangkada sa ere ang I Can See Your Voice tuwing 8:30PM pagkatapos ng #TheVoiceKids sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z Channel 11.
At sa unang pagkakataon, mapapanood na din ng mga Kapatid natin ang #ICanSeeYourVoice sa TV5 dahil eere din ito tuwing Sabado, 8:30PM at delayed telecast naman tuwing Linggo, 10:30PM pagkatapos ng Game 2 ng PBA.
ERRATUM: Pansamantala munang di mapapanood ang #ICanSeeYourVoice sa TV5 ngayong Linggo.
Ayon sa ilang impormasyong aming nakuha, nagkaroon ng tila "misunderstanding" sa pagitan ng ABS-CBN Entertainment at TV5 ukol sa pag-ere ng I Can See Your Voice sa Kapatid Network.
Sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z muna mapapanood ang pilot week ng #ICanSeeYourVoice.