Pebrero 7, 2023 matatandaang nag-isyu ng sobpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Luis. Ngayon, kasalukuyang humaharap sa patong-patong na estafa complaints si Luis at ang kanyang mga kasosyo sa kompanyang Flex Fuel Petroleum. Resulta ito ng halos 50 taong naghain ng reklamo laban sakanila.
Matapos humingi ng palugit ang kampo niya para kumalap ng mga karagdagang dokumento, naurong sa Pebrero 20, 2023 ang hearing ng kaso sa NBI.
Sa isang panayam, inihayag ni Edu ang tiwala kay Luis na kakayanin nito ang mga kasong kinakaharap.
"Kung anuman ang nangyari sa kanilang magkasosyo, that is something that we will find out after the lawyers and the investigation have been conducted."
"Alam niyo mas mahirap pa ang tumagal sa showbiz. He's been in the business for how many years and he survived. Besides, like I've said, he already tried to explain his case, but mabuti na nasa kamay ng mga abugado so less said, the better."
Sinabi rin niyang kasama sa paglaki ang mga problema't isyung tinatamasa ng anak hindi raw siya makikialam.
"Nag-uusap kami, but I don't need to defend him. Matanda na yun, e. He's his own man."
May tiwala rin siya na haharapin ni Luis ang lahat ng mga alegasyon laban sakanya.
"Sigurado yan, no doubt about it. Yan ang tinuro ng lolo ko sa tatay ko. Tinuro ng tatay ko sa akin at ganyan din ang tinuturo ko sa mga anak ko."
Pasaring naman niya sa mga naging kasosyo ni Luis, "Sadly not everything turns into good wine."
Sa ngayon, wala pang lumalabas na balita tungkol sa usad ng kaso pero noong mga nakaraang interview, nanindigan ang kanilang kampo na wala silang kinalaman sa mga inaakusa sa kompanya.
"There is absolutely no truth to the claim that FlexFuel is involved in any form of scam or fraud against our stakeholders," saad nila sa media.