Pormal nang inilunsad bilang pinakabagong global ambassador ng local perfume brand na Perfume Dessert London ang "Maria Clara at Ibarra" rising star na si David Licauco.
Makakasama ni David bilang endorser ang mga Kapamilya stars na sina Joshua Garcia, JM De Guzman, Sofia Andres at Ivana Alawi, at ang ilan sa kanyang kapwa Kapuso stars at mga kilalang influencers sa bansa.
Kasama ang koponan ng Perfume Dessert London sa pangunguna ni Ced Evangelista, ang CEO; Moon Yap, Marketing Operations Head; at Ejay Fontanilla, PR Manager sa isang intimate event na ginanap sa Quezon City noong Pebrero 7, 2023, pumirma na ng kontrata ang aktor bilang opisyal na endorser kasabay ng pagdiriwang ng partnership ng tinaguriang Pambansang Ginoo sa nasabing perfume brand.
"Bagay siya na magrepresent sa Perfume Dessert because he's one of the fresh young faces that we have," wika ng PR Manager na si Ejay Fontanilla.
Sinang-ayunan naman ito ng CEO ng kompanya at sinabing; "Kasi 'di ba 'yung brand namin nirerepresent niya is elegance pero hindi siya ganun kamahal, kaya ng masa, kaya ng middle class. Parang ganun si David, fresh, elegant pero hindi suplado. Kaya siyang iapproach ng masa and pwede rin siyang pang international."
Nagpasalamat naman si David sa mga magagandang papuring kanyang narinig at nagbigay din ng mensahe para sa bagong iniendorsong brand. “I'm happy, I'm grateful, and I just can't wait to help the brand na mas mag grow pa. Siyempre, pinagkatiwalaan nila ako as a brand endorser and it's my job to help them scale up and mas makilala pa ng mga consumers. Since entrepreneur din ako, I know kung gaano yung hirap para magbuild ng brand.”
Ang Perfume Dessert London ay pagmamay-ari at itinatag ni Ced Evangelista, isang kilalang businesswoman na ilang taon nang nagtatrabaho sa industriya ng pabango at e-commerce. Nakuha niya ang tamang kaalaman at kasanayan mula pagkabata dahil sa paggabay ng kanyang lolo na nagnenegosyo ng pabango.
Dumalo rin siya sa ilang mga business conference sa ibang bansa dahil malaki ang kanyang paniniwala na napakahalagang matuto at malaman ang higit pa tungkol sa negosyo, marketing at management. Noong nakaraang 2017 ay dumalo siya sa international business conference sa Hongkong. Nakapagtatag na din siya ng mga koneksyon sa ibang bansa at dito sa Pilipinas.