Coco Martin sumagot sa mga patutsada ni Rendor Labador, "Hayaan niyo na..."

Coco Martin sumagot sa mga patutsada ni Rendor Labador, "Hayaan niyo na..."

Coco Martin sumagot sa mga patutsada ni Rendor Labador, "Hayaan niyo na..."
- Sa mga nagdaang linggo ay naging laman ng balita ang social media influencer na si Rendon Labador

- Sunod-sunod kasing binatikos nito ang hit seryeng FPJ's Batang Quiapo

- Sa isang video ay sinagot na siya ng kapamilya actor Coco Martin

Sa mga nagdaang mga linggo matapos mag-umpisang umere ang hit teleseryeng FPJ's Batang Quiapo ay may isang influencer ang siyang sumasakay sa naturang success ng teleserye.

Ito ay sa katauhan ng social media influencer at Motivational Speaker na si Rendon Labador kung saan linggo linggo ay tila may patutsada laban sa teleserye.

Nag-ugat ang lagat matapos na mapansin ni Rendon ang isang tindero sa Quiapo ang tila naglabas ng hinaing matapos na bumaba umano ang benta dahil sa dami ng taong nakiki-usyoso lamang sa taping ng serye sa lugar.

Marami namang mga taga Quiapo ang pumansin dito at pinatunayang mas nagpapasalamat umano sila sa serye dahil sa pangyayari ay mas dumami pa nga ang benta nila, kaya malaki ang pasasalamat nila kay Coco Martin.

Ngunit ang kaisa-isang nag reklamo ang siyang pinang-hawakan ngayon ni Rendon Labrador na idinadahilan niya kung bakit niya pinapatutsadahan ang FPJ's Batang Quiapo.

Ani ni Rendon sa kaniyang mga hirit na dapat ay sa studio na lamang mag taping ang team Batang Quiapo at dahil mahal na mahal niya ang mga tindero't tindera ng Quiapo at ayaw niyang ma agrabyado ang mga ito.

Samantala, sa unang pagkakataon ay lumitaw ang video kung saan nagbahagi na ng kaniyang sagot si Coco Martin patungkol s amga patutsadang ito ni Rendon sa kaniyang team.

"Hayaan nyo ba.. ako naman inuunawa ko na lang sila," mabilis at maikling sagot ni Coco patungkol kay Rendon.

Matapos nito ay ibinahagi ni Coco na noong January ay naanyayahan na nila si Rendon na maging bahagi ng teleserye ngunit hindi na umano ito natuloy.

Maraming netizens ang nagsasabing kaya siguro nag-iingay si Rendon ay dahil gusto niyang makapasok sa serye ngunit hindi niya magawa, ngayong kinumpirma ni Coco ang bagay na iyon ay mas nagmukha tuloy bitter si Rendon dahil gusto pala talaga niyang maging bahagi ng serye.

Sa kaniyang mahabang litanya, ay ipinaliwanag ni Rendon ang naturang kwento, narito ang kaniyang kwento: 

"OPEN LETTER TO COCO MARTIN!!!

Yes, January palang nakikipag negotiate na sila saakin para mabigyan ako ng role sa BATANG QUIAPO. Totoo yan! Nag rerequest ako ng meeting sakanila para maayos ang collaboration. Hindi sila corporate kausap kaya hindi namin masyado binigyan ng pansin. Nag follow up sila ng second time at gusto daw nila ako i include, tinawagan namin sila at nakausap. Wala silang maayos na direction sa role na offer pati sa story hindi organized, kaya hindi na ulit namin pinansin. 

Madami kasi akong mas mahahalagang commitment para mag bigay ng oras sa isang bagay na walang direction. Pwede yan sa mga taong walang ginagawa sa buhay at nag sisimula palang sa industry o kaya yung mga artista o celebrity na walang mga projects. Hindi ko sila minamaliit, its just that hindi lang kaya ng oras at commitment ko ngayon. 

Busy ako sa pag tatayo ng series of sports bar sa buong pilipinas, eto yung Episode Bar + Kitchen at open ako sa mga business partners at investors dito. Pwede ninyo ako email sa business@branker.net 

Professional naman ako kausap pag dating sa business. At ibang usapan na yan. Kaya nga hindi ko na sinabi na kinukuha mo ako at 2x ako nag decline. Wala naman akong paki alam diyan sa mga pinag gagawa ninyo. Kaya kong gumawa ng BATANG DIVISORIA kung gugustuhin ko lang, Gets mo? 

FYI: Intindihin mo din na iba ang reputation ko dito sa socmed!

Meron kasi akong advocacy na i boses ang mga taong hindi kayang i boses ang mga karapatan nila. At wala akong paki alam kung sino ang masasagasaan ko, Lalo na sayo! Kung gusto mong i respeto kita, paki respeto din ang mga maliit nating mga negosyante diyan sa Quiapo. 

Wala naman silang pera katulad natin. Nag su survive lang ang mga yan sa pang araw araw nila. Yun ang punto ko. Sana maintindihan mo. Alam kong negosyante ka din, sana lang simulan mo na mag hanap ng sarili mong studio para hindi mo magamit ang pang publikong lugar para sa iyong pansariling interes. Huwag kang tanga.

Kung gusto mo akong kuhanin sa mga projects mo, ibang usapan yan. Mag book ka ng appointment sa office ko at mag usap tayo as a businessman at lalake sa lalake! Alam mo ang personal number ko. 

Pero bago kita kausapin, ayusin mo muna ang mga vendors sa Quiapo! Then lets talk about business. #stayMotivated"

Hirit tuloy ng marami, kung hindi na spluk e hindi pa aaminin ni Rendon na gusto pala niyang maging bahagi ng serye?.