Headquarters ng ABS-CBN Corporation, gigibain na nga ba?!

Headquarters ng ABS-CBN Corporation, gigibain na nga ba?!

Headquarters ng ABS-CBN Corporation, gigibain na nga ba?!
Gigibain na nga ba ang ABS-CBN building sa Quezon City?

Ito ang tanong ngayon ng mga netizens dahil sa lumabas na artikulo ng website na Bilyonaryo ngayong araw, March 8.

Ayon sa artikulo ng naturang website, gigibain "diumano" ang 3.4 hectares na parte ng ABS-CBN headquarters sa Mother Ignacia, Quezon City matapos daw itong makuha ng Rockwell Land, na pagmamay-ari din ng pamilya Lopez na syang humahawak sa Kapamilya Network.

Nasabihan na daw ng ABS-CBN Corporation ang mga staff nito sa posibleng pag-giba sa ilang parte ng Kapamilya headquarters.

Kasama rin daw sa madadamay ang "Studio 7" kung saan nagsu-studio ang TV Patrol, ang longest-running Tagalog newscast ng ABS-CBN News, kung saan ililipat daw muna ito "pansamantala" sa 15-storey building ng Eugenio Lopez, Jr. (ELJ) Communications Center ngayong taon.

1968 nang unang itatag ang ABS-CBN building na pinangunahan noon ni noo'y ABS-CBN head Eugenio Lopez, Jr. o mas kilala bilang si "Kapitan Geny".

Matapos ipasara noong 1972 ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ginamit ng iba't ibang Marcos-controlled TV networks tulad ng Maharlika Broadcasting System (MBS) Channel 4, Radio Philippines Network (RPN-9) at Banahaw Broadcasting Corporation (BBC-2) bago sila umalis noong 1978 para lumipat sa Broadcast City sa Capitol Hills sa Quezon City din. 

Bahagyang nabawi nang ABS-CBN ang ilang parte ng headquarters nito noong 1986, kung saan naging kahati nito ang noo'y newly re-branded People’s Television (PTV-4).

1992 nang tuluyang mabawi ng ABS-CBN Corporation ang buong kontrol sa headquarters nito matapos umalis ang PTV-4 para lumipat sa bagong broadcasting complex ng government-controlled network sa Visayas Avenue sa Quezon City.

Sa ngayon, tikom pa ang bibig ng pamunuan ng Kapamilya Network ukol dito.