Matapos ang halos 50 years simula ng itatag noong 1975, ilulunsad na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kauna-unahang "Summer" Metro Manila Film Festival ngayong 2023.
Noong Linggo, February 19, inilunsad ang mga guidelines at schedule ng events para sa kauna-unahang Summer MMFF 2023.
Bukas, February 24 ia-anunsyo ang walong (8) pelikula na makakalusot bilang official entries sa Summer MMFF 2023.
Sa kasalukuyan, 33 films mula sa iba't ibang film production outfits ang nagbigay na ng kanilang intensyon na sumali sa naturang film fest.
Kagaya noong MMFF 2022 last December, Quezon City pa din ang magho-host ng Parade of Stars para sa Summer MMFF sa April 1, samantalang sa April 11 naman gaganapin ang Awards Night.
Simula April 8, Sabado de Gloria hanggang April 18 naman ang magiging official run ng 8 entries na mapipili.
Unang inilunsad ang Summer Metro Manila Film Festival noong 2020 ngunit hindi na na-hold ang mga plano matapos pumutok ang COVID-19 pandemic.
Taong 1975 nang unang ilunsad ang Metro Manila Film Festival noong September 21, 1975 biglang selebrasyon sa pagde-deklara ni noo'y Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ng "Batas Militar".
Simula 1976 hanggang ngayon, inilipat ang MMFF tuwing December 25 o tuwing araw ng Kapaskuhan.
Ang mga kilalang celebrities tulad nina dating Pangulong Joseph Estrada, Dolphy, Fernando Poe Jr., Nora Aunor, dating Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Christopher de Leon, dating Sen. Ramon Revilla Sr., Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr., Vic Sotto, Coco Martin at Vice Ganda ang nag-domina sa MMFF box office derby at awards night sa nakalipas na halos 50 na taon.
Tumatak din sa MMFF ang ilang kilalang film franchise na humakot ng todo sa box-office tulad ng "Ang Panday", "Shake Rattle and Roll" at ang iconic Pinoy adventure movie na "Enteng Kabisote".