Inaasahang mas magiging exciting pa ang mga magiging ganap sa upcoming TV series na #UnbreakMyHeart.
Ito ang groundbreaking series mula sa dating magkalaban na TV giants, ang GMA Network na siyang nangungunang TV network ngayon sa Pilipinas at ang ABS-CBN Corporation na siyang nangungunang content provider sa bansa, kasama ang nangungunang streaming platform ngayon na Viu.
Noong isang buwan, inanunsyo ng GMA, ABS-CBN at Viu na pagbibidahan ito ng Kapuso at Kapamilya artists na sina Richard Yap, Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia.
Naganap ang contract signing noong December 2022 sa isang closed door press conference kung saan present sina ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Head of TV Production and Star Magic Head Laurenti Dyogi, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal,
GMA-7 executive Annette Gozon-Valdes, GMA-7 First Vice President for Program Management Joey Abacan, GMA-7 Assistant Vice President Sparkle Joy Mercado at si Viu Philippines Deputy Country Manager Vinchi Sy-Quia.
Kasama sa madadagdag sa cast ang mga beteranong aktor at aktres na sina Eula Valdez, Gardo Versoza, Victor Neri, Dionne Monsanto, Mark Rivera, PJ Endrinal at ang rising Kapamilya leading man na si Jeremiah Lisbo.
Nauna nang inanunsyo na makakasama nina Yap, Garcia G., Sta. Maria at Garcia J. ang ilan pang kilalang personalidad ngayon na sina Bianca de Vera, Nikki Valdez, Will Ashley, Maey Bautista at si Laurice Guillen.
Kasalukuyang nagsisimula na ang shooting ng cast sa Switzerland, kung saan nagkaroon ng tila pa-"farewell party" ang Kapuso at Kapamilya Network, at ang Team Viu na pinangunahan nina GMA-7 executive Annette Gozon-Valdes at ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.
Mapapanood ang #UnbreakMyHeart ngayong 2023 sa free TV via GMA-7, at exclusive naman ang streaming rights ng teleserye sa Viu.