"Wag seryosohin"
Ito ang paalala ng #ItsShowtime host na si Vice Ganda sa mga manonood ng Kapamilya noontime show matapos maglabas ng isang "open letter" ang isang guro sa social media.
Kaugnay ito sa isang skit sa katatapos lang na "Girl on Fire" segment ng It's Showtime kung saan gumaganap bilang "YorMeme", isang parody tungkol sa ilang lider ng bansa na walang masyadong ginagawa sa gobyerno.
Sa February 16 episode ng ABS-CBN noontime show, kung sakaling maging Mayor daw ay ipagbabawal ni Vice ang pagtatawag ng mga guro sa mga estudyante na di nagtataas ng kamay tuwing recitation.
Sa kasalukuyan, may 61,858 views na sa YouTube ang naturang clip.
Hindi ito nagustuhan ng netizen na si Jelford Teves na isang guro.
Aniya, kailan man daw ay hindi magiging mali ang "strategy" na iyon na ginagawa ng kahit na sinong guro.
Dagdag pa ni Teves, dapat daw ay tinuturuan ang mga bata na maging handa sa bawat hamon ng buhay.
Sinagot naman ito ni Vice sa kanyang Twitter account. Ani ng 8-time Phenomenal Box-office Superstar, hanga daw ito sa "matalinong" argumento na inilahad ni Teves.
Pero paalala ni Viceral, "running joke" ang YorMeme skit nya at hindi daw dapat sineseryoso ang mga jokes na binibitawan nito.
Maraming guro naman ang pumanig kay Vice at nilinaw na di naman ganun ka-offensive ang mga binitawang punchline ng Kapamilya comedian.
Mapapanood ang #ItsShowtime mula Lunes hanggang Sabado, 12:45PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z at TV5.