Kaugnay ito sa issue tungkol sa isang eksena ng karakter ng veteran actor na si Rez Cortez na gumaganap bilang isang muslim.
Puna kasi ng ilang miyembro ng muslim community, tila pinapakita ng serye na diumano'y "tino-tolerate" ng karakter ni Cortez bilang isang muslim ang pagnanakaw ni Tanggol, na ginagampanan ng bida nitong si Coco Martin.
Dahil dito, naglabas ng kanyang hinaing si Lanao del Sur 1st District Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong at pinuna ang Feb. 14 episode ng serye.
Sa statement naman ng MTRCB, humingi na daw ng pasensya sa ahensya ang ABS-CBN Entertainment, Dreamscape at CCM Film Productions, mga production companies sa likod ng
Kapamilya teleserye sa nangyari at nangako na makikipag-ugnayan sa ahensya upang di na maulit ang ganitong pangyayari.
Napapanood ang #FPJsBatangQuiapo mula Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z at TV5.
UPDATE:
Ngayong araw, February 16 pormal na naglabas ng pahayag ang team behind #FPJsBatangQuiapo through ABS-CBN PR.
Sa kanilang pahayag, humingi ng pasensya ang #FPJsBatangQuiapo sa muslim community at nanindigang wala silang planonh sirain ang magandang imahe ng mga muslim.
Nangako din ang team na magiging mas maayos sila sa paglalahad ng kwento ni Tanggol (Coco Martin) na walang tinatapakan na kung ano mang relihiyon.