Ayon kay Gutierrez, sinabihan na daw sila ng management ng Villar-owned TV network na kailangan itigil "muna" ang kanilang programa upang ituon daw ng istasyon ang kanilang atensyon sa pagpapalawak at pagpapalakas ng signal ng naghi-hingalong TV station.
Ayon sa huling TV ratings na nilabas ng AGB Nielsen NUTAM, nasa 0.0% lang ang usual ratings ng ALLTV programs kumpara sa 13-15% ng mga programa ng GMA-7; 7-9% ratings ng mga programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5; 3-4% na ratings ng mga original programs ng TV5 at GTV na secondary free-to-air channel ng GMA Network.
Maliban dito, wala ring advertisers ang nagkakainteres na maglagay ng kanilang advertisements sa istasyon, kumpara sa GMA-7, GTV, TV5, A2Z at Kapamilya Channel na punong puno ng commercial loads.
Matatandaang ang ALLTV na under ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ang gumagamit ngayon sa VHF Channel 2 at digital UHF Channel 16 sa free TV, na ginagamit noon ng ABS-CBN Corporation bago ito hindi bigyan ng prangkisa ng Kongreso noong July 10, 2020.