Kinilig ka na ba sa love story nina Manny at Ayef?
Wala pang isang linggo matapos ang pagpapalabas sa #1 streaming platform na Netflix, nanguna agad sa Netflix Philippines ang Star Cinema coming-of-age romantic-comedy movie na #AnInconvenientLove.
Nag-umpisang mapanood sa Netflix ang #AnInconvenientLove noong February 23, o eksaktong tatlong buwan matapos itong ipalabas sa mahigit 175 na sinehan noong November 23, 2022.
Pinagbibidahan ng Kapamilya fastest rising loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, humamig ng humigit kumulang ₱40 million sa theatrical release nito noong 2022 ang pelikula, na siyang 5th highest-grossing Filipino Film ng taong iyon.
Maliban sa Pilipinas, kabilang din ang An Inconvenient Love sa most-streamed movies sa Netflix Qatar, United Arab Emirates, Singapore at Malaysia.
Directed by acclaimed young director na si Petersen Vargas, umiikot ang istorya kay Manny (Donny Pangilinan), isang aktibista at "plantito" by heart at Ayef (Belle Mariano), a young woman who believes na ang love ay dapat "convenient" lang o dapat puro saya lang.
Pumasok ang dalawa sa isang "contractual" relationship kung saan dapat walang "inconvenient" things ang kanilang relasyon at dapat ay magtatapos sa Oktubre, buwan kung kailan aalis si Ayef papuntang Singapore para tuparin ang kanyang mga pangarap bilang isang animator.
Habang papalapit ang deadline ng kanilang kontrata, magdedesisyon kaya ang dalawa na tapusin na lang ng ganun ganun lang ang kanilang kasunduan, o ang "pag-ibig" mismo ang tatapos sa maling pagtingin nila sa love?
Panoorin ang #AnInconvenientLove sa Netflix, and stream legally.
Inaasahan din na pagbibidahan nina Pangilinan at Mariano ang kauna-unahan nilang teleserye na #CantBuyMeLove, na mapapanood ngayong taon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5.